Chapter 24 LINCY IPINATAWAG ako ni Andrew sa garden area at gusto raw akong makausap nang sarilinan. Matapos ang insidente namin ni Freya kung saan nasabi ko sa kaniya ang tungkol sa mga alaala namin noon ay hindi ko nakikita si Freya sa mansyon. Natakot siguro siya sa mga sinabi ko pero hindi pa rin ako dapat magpakampante at baka may kababalaghan na naman iyon na gawin sa sobrang ka-praningan. Alam ko na kahit pinipilit niyang kumbinsihin ang sarili niya na huwag maniwala sa mga kuwento tungkol sa mga kaluluwa ay natatakot siya. Nadatnan ko si Andrew na seryoso habang malalim ang iniisip. Ni hindi rin niya napansin ang pagdating ko. "Bakit niyo po ako ipinatawag, Sir?" tanong ko sa kaniya at doon pa lamang siya natauhan sa malalim na pag-iisip. "Nariyan ka na pala," nahihiyang sa

