Chapter 25 LINCY LUMAPIT ako kay Manang Fely na sinenyasan ako upang lapitan siya. Seryoso itong nakatingin sa akin na nagbigay sa akin ng kaba. Sa tinagal-tagal ko siyang kilala ay ngayon ko lamang siya nakita nang ganito ka-seryoso tumingin sa isang tao. "Ano po ang kailangan niyo, ' Nay? May ipagagawa po kayo sa akin?" tanong ko sa kaniya. "Puwede ba kitang makausap sandali?" paghingi nito ng pahintulot. "Opo. Ano po ba ang pag-uusapan natin?" "Halika doon tayo sa kusina." Pagdating namin sa kusina ay inalok niya ako ng upuan ngunit nanatili lamang akong nakatayo. Malakas ang pakiramdam ko na sensitibo ang topic na pag-uusapan namin dahil dito pa sa kusina niya ako niyaya na mag-usap. "Tungkol po saan ang pag-uusapan natin?" tanong kong muli. "Napapansin ko kasi na na

