Chapter 21 ANDREW ISANG linggo na ang nakalilipas mula nang mangyari ang insidente sa kwarto ni Freya. Sa loob ng isang linggo ay naging tahimik naman ang pamumuhay namin sa mansyon. Walang naganap na katatakutan o ano pa man. Sa loob rin ng isang linggo ay napagbulay-bulayan ko ang mga maraming bagay tungkol sa mga ginawa ko sa sarili kong asawa. Gusto ko nang kumalas kay Freya at sa mga plano nito. Sa hindi ko malamang dahilan ay nawalan ako ng interes sa yaman ng naiwan ni Lincy. Nang muntik na kaming mamatay sa aksidente nang maibangga ko sa malaking puno ang kotseng sinasakyan namin ni Freya ay napag-isip-isip ko na walang silbi ang anumang yaman sa bingit ng kamatayan. Kahit hindi ko nakakausap ang kaluluwa ni Lincy ay alam kong galit ito sa amin kaya siya nagpaparamdam. Bagam

