Chapter 22

1621 Words

Chapter 22 ANDREW "BAKIT niyo po ako ipinatawag, Sir?" tanong ni Elliana sa akin. Ang mga damit ni Lincy ay gusto kong ibigay kay Elliana dahil mukhang bagay sa kaniya. Pareho sila ng built ng katawan. Nanghihinayang rin naman akong itambak na lang iyon at hindi na mapakinabangan pa. Itinuro ko ang mga kahon na naglalaman ng mga damit ni Lincy. "Saan ko po ito dadalhin, Sir?" "Sa iyo na 'yan." "Sa akin po? Lahat po ito? Ano pong laman ng mga kahon?" sunud-sunod nitong tanong. "Ito talagang si Elliana, napakaraming tanong. Buksan mo na lang at ng makita mo." Sinunod niya ang sinabi ko at binuksan ang kahon. Tumingin itong muli sa akin at alam kong magtatanong siya kaya inunahan ko na. "Damit iyan ng asawa ko. Ibibigay ko na sa'yo. Sayang naman at saka mukhang bagay sa'yo."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD