Kabanata 18

2013 Words
HIS LOVE, HIS OBSESSION Keehana H-Hindi ata ako puwede rito. Hindi ata ako matatanggap ng may-ari. “Why? Ano ang masama sa ginagawa ko? I am just helping her . . .” “Wala akong problema kung tinutulungan mo siya. The problem is tinatago mo ang dalagang ito when in fact there are people who are looking for her and her siblings! Ano ’to? Nagbabalak kang ibahay? Even your true identity, you’re keeping it from her! Tell me, dapat ka bang pagkatiwalaan sa lagay na iyan?” Kay tatas nitong mag-Ingles, halos wala akong maintindihan dahil sa bilis ng pananalita nito. Nabaling lang ako kay Al nang bahagyang humigpit ang pagkakapulupot ng braso nito sa baywang ko. Nang tingalain ko ay matigas na ang mukha nito habamg diretso ang tingin sa babae. “So what? Hindi ko naman siya basta tinatago lang. I am protecting her, Thy. Hangga’t hindi ko nahuhuli ang tatlong iyon na parang mga dagang nagtatago, mananatili siya—sila sa puder ko.” Marahan kong kinagat ang ibabang labi. Nanatili ang tingin ko sa kanila na nagtatalo dahil sa akin. “Oh, really? So, kapag nahuli na ang mga iyon, pakakawalan mo na ang bihag mo?” nanghahamon na turan ni Ma’am Thy. Iyon ang nakalagay na name sa uniporme nito. “Don’t call her like that,” tiim-bagang na sambit ni Al, saka sandaling bumaba ang tingin sa akin na nakatingala lamang dito. Hindi ko naman alam ang sasabihin. Nahihiya rin ako para sa sarili dahil hindi pa ata ako makakapagtrabaho rito. “See? Hindi mo nagawang sagutin ang tanong ko. You can’t fool me. May iba kang balak sa dalagang ito, at kung ano man iyon, siguruhin mo lang na wala kang masasagasaan na batas dito. Alam mo sa sarili mo kung anong klaseng tao ka. Alam mo rin kung ano ang ayaw ng dalagang ito. Sa huli ay ikaw rin ang aani ng mga ginagawa mo,” makahulugang anito at ibinagsak ang likod sa sandalan ng upuan. Umiling-iling pa ito na para bang dismayado. “Bahala ka na nga. Hindi naman kita mapipigil sa nais mong gawin sa buhay. Kaso sana man lang, ipinakilala mo siya sa amin nang maayos. Kahit nakapag-lunch lang sana tayo with the pack, hindi ganito na ngayon ko lang malalaman na may binabahay ka na pala. Hay, ewan! Bahala na ang ama mo sa iyo,” dagdag pa ng babae bago ako balingan na ikinaangat ko rito ng tingin. Dumiin ang pagkakakagat ko sa ibabang labi sa naging usapan nila. Hindi ko maintindihan. Anong balak daw sa akin ni Al? At anong klaseng tao raw si Al? Iyon ang mga taong na panay ang ikot sa isipan ko. “Give her heels. ’Yong pinakamaganda,” dinig kong sambit ni Al na ikina-ikot lang ng mga mata ni Ma’am Thy. “Duh, I know! Hindi naman ako nagbibigay ng pangit na heels sa girls ko, ’no.” Halata sa mga ito na matagal nang magkakilala. Parang hindi nagkakapikunan. May kinuha si Ma’am Thy sa likurang kabinet na naka-box pa. Nang iabot niya iyon ay dagliang kinuha ni Al at lumuhod sa harapan ko, na naging dahilan ng pag-igtad ko. Tila ba ako nalagay sa kahihiyan nang ipatong nito ang paa ko na nakasimpleng flat sandals lamang sa tuhod nito. Inalis niya iyon at pinalitan ng bigay na heels ni Ma’am na lalong bumagay sa stocking kong suot. Mayamaya ay nahihiyang nilingon ko si Ma’am na parang batang nakatuwad sa desk nito at ngingiti-ngiting pinagmamasdan ang lalaki. “Akala ko ba babae ang luluhod sa iyo at hindi ikaw? Kakainin mo rin pala ang sinabi mo,” halatang nang-aasar pang wika ng shop owner. Hindi umimik ang lalaki kaya sa akin ibinaling ni Ma’am Thy ang atensiyon. Ngumiti ito at inalok ang kamay na agad ko namang tinanggap. “Welcome sa Sew Sweet, girl. What’s your name again?” N-Name? Pasok ako? “A-Ah, Keehana po. Keehana Louise,” tarantang tugon ko sa pagkagulat. T-Tanggap ba ako? Aniya ay welcome raw! Akala ko naman hindi ako welcome rito. Tila ako nabunutan ng kung anong tinik sa lalamunan. Ngumiti nang matamis ang kausap ko at ipinatong ang baba sa magkapatong na mga kamay sa mesa at pinagmasdan ako nang maigi. “That’s it? Full name mo na iyon, Keehana?” takang anito na daglian kong tinanguan. “Opo . . .” E, sa wala ang aking ama, e. At kahit na magpakita pa siya at kuhanin ako, hindi ako papayag. Mas mabuti nang apelyido ni Mama ang dala-dala ko, huwag lang sa balasubas na iyon. “Ah, I see,” tatango-tangong wika nito at ngiting itinuro ang name na nakakabit sa uniporme nito. “You can call me Ma’am Thy. Mabait naman ako kaya kung may kailangan ka ay sabihin mo lang sa akin. Takot ko lang sa lalaking iyan, ano,” tawa nito na ikinatawa ko na lamang din kahit na naguguluhan ako sa relasiyon nilang dalawa. Magkaibigan lang ba sila? Tumayo ang lalaki na ikinatingin ko rito. Nang mapagmasdan ang suot na heels ay napamaang ako. Saktong-sakto iyon sa paa ko at bagay na bagay. May strap iyon sa bandang ankle at hindi naman gaanong kataasan ang takong. Tama lamang na hindi ako mahihirapan. “It looks good on you, Keehana. Lalo kang nagmukhang manika tingnan dahil sa ayos mo ngayon,” turan ni Al na hindi maalis-alis ang tingin sa kabuoan ko. Bigla ay naasiwa ako dahil sa mga titig nito. Gayumpaman ay ngumiti na lamang ako at nagpasalamat sa pagtulong niya sa akin. Bumaba ang tingin nito sa relo at bumuntong hininga. “Alright. I’ll go now, Keehana. Mag-iingat ka rito, hmm?” anang lalaki na walang pasintabing humalik sa labi ko—sa harapan ng ibang tao. Nanlaki ang mga mata ko at tila ba inugat sa kinatatayuan, lalo na nang marinig ang pag-ubo ni Ma’am Thy. Ngumisi lamang ang lalaki bago ako bitiwan at balingan ang babae. “’Yong pinag-usapan natin kanina. Huwag mo itong hahayaan na umalis dito nang hindi ako kasama.” “Yes, yes, yes! Takteng unang pag-ibig, masiyado ka namang protective!” ani Ma’am bago umalis ang lalaki. Naiwan kaming dalawa kaya’t lalo akong nahiya. Ngumiti ako rito nang tipid dahil sa paninitig nito sa akin habang iniikot-ikot ang inuupuan. “How old are you, Keehana?” tanong nito habang ang isang kamay ay nakapatong sa mesa. “Twenty po, Ma’am . . .” “Ah, Ate na lang pala ang itawag mo sa akin since nobya ka naman ng lalaking iyon. Ilang taon lang naman ang tanda ko sa iyo,” ngiting turan nito tumayo. Bagsak ang panga ko nang sumunod dito. “A-Ah, ano po, hindi kami magkarelasiyon ni Al. Magkaibigan lang po,” kagat-labi kong pagtatama rito na naging dahilan ng pagtigil nito. Marahas itong lumingon at taka akong tiningnan. “E, ano ’yong ginawa niyang paghalik sa iyo kanina? He even insisted earlier sa call na girlfriend ka niya. Ano ito? Nangangarap lang pala nang gising ang mokong na iyon?” Natawa ito at marahang binuksan ang isang kuwarto na puro kagamitan sa pananahi ang laman. Bumaha ang liwanag doon nang may pindutin ito sa gilid. Hindi na ako nakapagsalita pa nang akayin ako nito papasok na ikinamangha ko. Malinis at maayos ang mga kagamitan doon. Ang nakamamangha pa lalo ay ang mga mannequin doon na binihisan ng mga magagarang kasuotan, mga gown at bestida. Kay gandang tingnan. “Hindi ako nangangailangan ng staff right now, but since si Al naman ang nakiusap, so, no problem sa akin. Luckily, you are his girlfriend kaya naisip ko na tuturuan na lang kitang manahi, wala rin naman ako masiyadong gagawin. Is that okay with you, Keehana?” Napatanga ako sa narinig, gayumpaman ay nagawa pa ring tumango rito. Lumampas kami sa isang sewing machine na nangingintab sa kinis. Isang malaking table ang hinintuan namin. May mga papel doon na malalapad, lapis at tape measure. Sa gilid ay mga katawan na kulay itim, hindi ko alam ang tawag kaya ibinaling ko na lamang kay Ate Thy ang atensiyon. “I’ll teach you first how to take body measurement, ha? Kapag bored ka sa buhay, puwede mong tahian ng damit ang boyfriend mo. I’m sure matutuwa iyon,” anito pa na ikinatawa ko nang mahina. “Sige po. Gagawan ko ng brief,” sakay ko sa biro nito na ikinahalakhak nito. “Sure, sure. Kung puwede ’yong cartoon characters sana para mas maganda ang disenyo. Kidding aside. Madali lang naman manahi ng mga damit. Practice-practice then aralin ang mga dapat gawin.” “Noted po, Ate. Ang gaganda po ng mga gawa ninyo rito. Nirarampa po ba ninyo ang mga ito? Bagay po sa inyo.” Isang malakas na halakhak ang umalingawngaw sa kuwartong iyon na siyang nagpatigil sa akin. Ramdam ko ang paghawak nito sa balikat ko at ipinuwesto ako sa tabi habang natatawa pa rin. “Keehana, hindi ako nagsusuot ng mga ganitong saplot. Gumagawa lang ako ng mga damit na dine-demand ng mga tao. Takot ko na lang sa asawa ko, ano. At saka hindi rin ako nagsusuot ng mabababa ang neckline, ayokong lumuwa ang hindi dapat lumuwa. More on modesty kami lalo na at ang mother ko ay may katayuan sa province,” daldal nito na tinanguan ko agad. Parang ang bata pa nito para mag-asawa. Ilang taon na kaya ito? Parang kinse anyos ang hitsura at katawan. Sabi niya naman kanina ay ilang taon ang tanda niya sa akin. Nagtungo ito sa tapat ko at isinalansan sa mesa ang mga kagamitan. “So, let’s start? Here, I have guidelines here, Keehana. Puwede mong iuwi itong guidelines para mapag-aralan mo. So, remember these three before we proceed to taking body measurement—the vertical, horizontal, and circumferential way . . .” Step by step ay itinuro nito ang tamang pagsusukat ng body measurement. Wala naman akong kaalam-alam patungkol dito kaya inintindi ko ang lahat ng mga sinasabi nito. Mula sa balikat nito hanggang sa balakang ay sinukatan ko upang ipakita rito na natutuhan ko ang mga turo nito na basic pa lamang. Maging ako man ay sinukatan nito kaya tinanggal ko ang waiscoat ko at ilang dapat na tanggalin upang makuha nito ang tamang sukat. “Great! Ayos na ang body measurement ko na kinuha mo, so next is gagawa tayo ng pattern. Ikaw ang gagawa sa akin at ako naman ang gagawa ng sa iyo. But next time, ikaw na lamang ang gagawa para ma-assess kita nang husto kung kaya mo nang mag-isa at walang gabay ko, oki?” Sunod-sunod akong tumango at natuwa sa ginagawa namin. Nakaa-aliw naman itong gawin. Naglatag ito ng kulay brown na papel na paggagawan namin ng pattern. Tinuruan din ako nitong mag-divide ng nakuha naming body measurement na agad ko namang na-gets. Hanggang sa ang oras namin ay iginugol na roon. Siniguro nito na tama ang pagkakagawa ko ng pattern kaya naman inigihan ko ang ginagawa upang hindi ito bigyan ng sakit sa ulo. Nang sumapit ang tanghali ay saka lamang kami tumigil. Inaya ako nitong lumabas ng opisina kasama ang mga paslit nitong dala. Natigilan naman ang mga tauhan nito na nag-aayos na lamang ng mga naka-display na damit doon. Bumati ako sa mga ito na sinuklian din nila ng maligayang pagbati. “Let’s just wait for my husband, guys. May dala iyong tanghalian,” anunsiyo ni Ate Thy sa mga tauhan na para bang kabarkada lang. Natigilan pa ako nang balingan ako nito upang iharap sa mga kasama namin na ikinahiya ko. “Kayo, huwag n’yong loko-lokohin itong si Keehana at dragon kung magalit ang nobyo nito. Sinasabi ko sa inyo, overprotective ang lalaking iyon,” anito na ikinamilog ng mga mata ko. Naku naman! Nakakahiya! Kusang tumungo ang ulo ko nang magkantyawan ang mga dalagita’t binata roon. “Wala talagang magtatangka, Ma’am. Lahat kami rito takot makatikim ng galit mula kay Sir,” tawang sambit ng lalaki na siyang nagpatigil sa akin. Bakit? Ano ba si Al kapag galit? Papaano? Tulad noong nagkasagutan kami sa bahay?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD