Kabanata 12

1999 Words
HIS LOVE, HIS OBSESSION Keehana Nilingon ako nito nang mapansin ang pananahimik ko. “Why, sweetheart?” alalang lapit nito sa akin nang mapansin ang panunubig ng mga mata ko sa tuwa. Hindi ko napigilan ang pagnguso at pagyuko dahil hiyang-hiya na ako sa kaniya. Kahit ang ina ko ay hindi ako nagawang sorpresahin nang ganito. “A-Al,” nangangatal kong tawag sa pangalan nito. “Salamat dito, ha?” Napailing-iling ito at ngumiti sa akin. “My pleasure, sweetheart.” Hinaplos nito ang ulo ko bago alisin ang luha na tumulo sa pisngi ko. Inakay ako nito paupo sa upuan at ganoon din ang ginawa nito sa mga kapatid ko. Matapos nila akong kantahan at ipa-ihip sa akin ang kandila sa cake ay nag-umpisa na kami sa pagkain. Binusog ko ang sarili upang sulitin ang pagkakataon. Nilantakan ko rin ang paborito kong ice cream kaya sa huli ay para akong ahas na nanahimik sa sulok sa kabusugan. Tinapos namin ang movie bago ako nakatulog sa sofa sa sobrang antok. Nagising na lamang ako na wala na ang mga kapatid ko sa sala. Patay na rin ang TV kaya napaigtad ako, bago mapansin si Al sa tabi ko na tumigil sa pagtitipa sa laptop nito. “Napasarap masyado ang tulog mo, Keehana sweetheart. Good evening,” ngiting anito na ikinalaki bigla ng mga mata ko. Hala! Gabi na? Kunot-noo kong sinulyapan ang bintana, para lamang makumpirma na gabi na nga talaga. Kung gayon, ang haba pala ng itinulog ko. Hinawi ko ang buhok at biglang nahiya rito dahil tiyak na nakita niya pa ang mukha ko kapag tulog. “S-Sorry, Al. Nasaan... Nasaan pala ang mga kapatid ko?” kinakabahang tanong ko dahil napakatahimik ng bahay niya, gabi pa naman. Dapat ay makauwi na kami sa bahay at baka pasukin ng kung sino ang bahay naming sira-sira na. Tumigil ang lalaki at isinara ang laptop niya, saka ako hinarap at tipid na nginitian. “Don’t worry, nasa guest room sila at nagce-cellphone,” tugon nito na siyang nagpatigil sa akin. Marahan ko pang kinapa ang bulsa ko at nakumpirma kong nasa akin ang phone ko. Napakunot tuloy ang noo ko at umayos ng upo. “Walang phone ang mga kapatid ko, Al,” imporma ko rito at baka nagkamali lang ito. Ngunit tumango ito at tinawanan ako. “I know, so I gave them. Panglibangan nila at para na rin sa pag-aaral.” Literal na napanganga ako sa narinig. Tila ako natulig doon kaya ilang segundo akong nakatitig sa mukha nito. A-Ano? Talagang binigyan niya ng gadget ang mga kapatid ko? Ngunit bakit? Hindi naman niya kami kilala nang lubos para gawin niya iyon. Marahan itong tumayo at hinila ako patayo. Sinundan ko lamang ito nang akayin niya ako pa-akyat sa ikalawang palapag ng bahay, dinala sa isang room doon at lalong ginulat sa ipinakita. Doon ay nasaksihan ko ang mga kapatid ko na abala sa kaniya-kaniyang hawak nilang cellphone na halatang mamahalin. Wala akong nagawa kundi ang mapanganga sa pagkabigla, iniisip kung ano ba ang mayroon at binigyan niya ng tag-iisa ang mga kapatid ko ng gadget. Natulala na lamang ako habang inaakay ako nito papunta sa kung saan. Tulala lamang ako habang nakatingala sa likuran nito. Kay lapad ng likod, ang mga masel sa braso ay namumutok. Tunay na kay gandang lalaki, pero hindi ko maintindihan kung bakit niya ito ginagawa sa amin. Bumaba ang tingin ko sa kamay ko na hawak nito. Kay laki ng kamay nito at sakop na sakop ang buo kong kamay. Hindi na nakapagtataka, malaki siyang mama. Nakakatakot tuloy ito galitin kung sakali. “A-Al,” pukaw ko rito, dahilan para bahagyang bumagal ang mga lakad nito at nilingon ako. “Hmm?” “Uhm, ’yong tungkol pala kagabi. Ano, pasensiya ka na kung nasagot-sagot kita, ha?” Napakapit ang isa kong kamay na malaya sa braso niya nang muntik nang matisod. Ngumiti lamang ang lalaki bago huminto sa isang pinto. “No worries. Kalimutan na natin iyon. Pasensiya ka na rin at masyadong naging mataas ang emosyon ko kagabi dahil sa ilang araw mong pang-iignora sa akin, at dahil na rin doon sa nangyari sa iyo.” Inakay ako nito papasok kaya sumunod ako. Isa iyong tipikal na kuwarto, namangha rin ako nang makitang ang isang pader niyon sa gilid ay gawa sa salamin kaya tanaw na tanaw ko ang view sa labas. May mga mumunting ilaw sa dulo kaya tiyak na may sibilisasiyon na roon. Ngiting tiningala ko ang lalaki na naabutan kong matiim na nakatitig sa akin. “Grabe talaga itong bahay mo, ano? Kay ganda. Ang yaman mo talaga, Al.” Sumilay ang kakaibang ngiti sa labi nito na aaminin kong nakapagbibigay ng kilabot sa akin. Tila kasi may ibang ibig sabihin iyon. “Good to hear that, sweetheart. Maaari kayong matulog dito ngayong gabi dahil hindi ko na kayo mapapauwi ngayon at gabi na,” anito na ikinamilog ng mga mata ko. “Talaga?” Binitiwan nito ang kamay ko at hinayaan akong sumampa sa napakalambot na kama. Nahiga ako roon at dinama ang kalamigan niyon bago mapaupo at hinarap ito na nakangiti sa akin. “Pero wala akong pamalit na damit, Al.” Sa sinabi kong iyon ay wala itong naging imik. Tahimik lamang nitong tinungo ang lagayan ng mga damit at may kinalkal doon. Marahan akong tumayo at lumapit sa likod nito upang pagmasdan ang lagayan niya ng mga damit na kay gara dahil sa ka-ignorantehan. Naka-ayos iyon at napakalaki pa kaya nakaka-inggit. May binuksan itong tila pinto kaya bumungad sa paningin ko ang mga pambabaeng bestida at mga sandals doon na kay gaganda. Wow! Sino kaya ang nagmamay-ari ng mga iyon? “May asawa ka na po?” mayamaya ay gulat kong tanong dahil baka may sinabi na ito noon na may asawa na siya at nakaligtaan ko lang. Kinabahan ako bigla dahil baka may bigla na lamang sumulpot dito na babae at sabunutan ako. Ayoko namang makasira ng relasiyon. Natawa ito at hinarap ako matapos makakuha ng mga damit pambabae. “Magkaka-asawa pa lang, Keehana. Besides, hindi ko gagawin ito kung nakatali na ako,” anito na ikinakunot ng noo ko. Gayunpaman ay tumango ako rito at tinanggap ang mga magagarang damit. Halatang mga bago pa iyon, pati panty at bra ay amoy bago rin. Hindi iyon katulad sa mga ginagamit ko na flowers pa rin ang design na underwear, at bra na simple lamang ang disenyo. Tila pang mga matured na ito. “Kanino pala itong mga damit? Lalabhan ko na lang pagkatapos kong gamitin at isasauli, a?” “No need. Sa iyo naman talaga iyan,” anito na ikinatigil ko. Nang mapagtanto nito ang sinabi ay tumiim ang tingin nito sa mga mata ko at humalukipkip. “Just keep it, Keehana,” aniya bago ako marahang itulak papasok sa banyo sa loob ng room niya. Wow! Naghugas ako ng katawan at nag-explore sa loob ng banyo niya na kakaiba sa paningin ko. De-shower ito at gawa pa sa salamin ang harang sa paliguan. May mga pambabaeng kagamitan na rin doon at mga pink towels na tila sinadya roon. Tuloy ay bahagya akong nagtaka. Baka naman kasi may asawa o nobya na talaga si Al na nakikitira rito. Sigurado naman ako na hindi gumagamit ng mga pambabaeng kagamitan si Al dahil barakong-barako ito. Sa pagka-enjoy ko ay itinuloy ko na sa pagligo ang kaninang hugas lamang ng katawan. May maligamgam na tubig na lumalabas sa shower kaya tuwang-tuwa ako. Hindi tulad sa amin na kailangan pa ng matinding lakas ng loob bago magbuhos ng tubig sa katawan. Ginamit ko roon ang bagong-bago pang baby shampoo at soap na liquid. Kay bango niyon at masarap sa ulo at katawan kaya napangiti ako. Nang mapagtanto ko na napatagal na ako roon ay mabilisan ang ginawa kong pagbanlaw at nagtapis. Pinatuyo ko ang katawan bago magbihis at lumabas ng banyo. Naabutan ko ang lalaki na tahimik na nakaupo sa kama at may hawak na maliit na box. Nag-angat ito ng tingin sa akin na ikinaasiwa ako. Paano ba naman ay matitiim at seryoso na naman siya kung tumingin sa akin. Ni hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip nito. Ilang segundo niya pa akong pinagmasdan bago umusal ng mga salita. “Come here, Keehana. Open this in front of me,” anito na naintindihan ko naman kahit papaano. Nagtataka man ay tumabi ako rito na ikinatigil na naman nito. Lalong lumalim ang lantarang paninitig nito sa akin habang tila malalim ang iniisip. “B-Bakit?” “You smell so good,” walang pakundangan na turan nito. Lihim akong napasinghap at agad na nag-iwas ng tingin. “A-Ah, ano, pasensiya ka na at ginamit ko ang baby soap at shampoo mo roon.” Hindi ito tumugon sa sinabi ko at ngumisi lamang. Mayamaya ay halos matuliro ang isip ko nang iabot niya sa akin ang kanina niya pa hawak na maliit at malapad na kahon. “Huh?” naisambit ko sa pagtataka. Napangiti ito sa reaksiyon ko at marahang hinaplos ang buhok kong basa pa. “My birthday gift for you, sweetheart,” halos pabulong na turan nito at inudyukan ako na buksan na iyon agad. Pink pa ang kulay ng balot niyon at may ribbon na puti, pambabaeng-pambabae talaga. Tila pa nanginig ang mga kamay ko dahil kakaiba ang laman niyon. Medyo mabigat. Nakagat ko nang pasimple ang ibabang labi at marahang pinunit ang balot. Bumungad sa akin ang tatak ng—ng laptop na ikinamaang ko. Isang singhap ang umalpas sa mga labi ko matapos iyong buksan, tumambad sa akin ang isang puting laptop na kapareho sa laptop niya na nakita ko kanina. Hindi ko namalayan na napatakip na pala ako ng palad sa bibig. Hinarap ko ang lalaki na hindi inaalis ang titig sa mukha ko at napaluha. “You like it?” “A-Al,” nanginginig kong sambit sa pangalan nito nang tila binarahan ng kung ano ang lalamunan ko. “H-Hindi mo naman kailangang gawin ito. Wala ka namang responsibilidad sa amin. Hindi ko ito matatanggap,” dagdag ko pa na halo-halo na ang emosiyon. Naku po! Magkano nang halaga ang nagastos niya sa amin ng mga kapatid ko! Hindi naman biro ang presyo ng mga cellphone at laptop kaya tiyak na malaki ang naigastos nito sa amin. Masyado nang nakakahiya. Natatakot din ako na baka may kapalit ito. Umiling ito at kinuha sa akin ang laptop upang buksan. Halos manlabo ang paningin ko habang pinagmamasdan ang screen ng laptop na umilaw. “Hindi mo maaaring tanggihan ang mga ibinibigay ko sa inyo, Keehana. Sasama lang ang loob ko kapag tinanggihan mo ang regalo ko sa inyo.” Nangatal ang mga labi ko at tuluyan nang napaiyak. Nakakahiya man ngunit kailangan ko talaga ito lalo na ngayon at kolehiyala na ako. Hindi ko rin naman magamit nang maayos ang cellphone kong de-keypad dahil luma na at nagloloko. “W-Wala ba itong kapalit?” paninigurado ko na nginisian nito. “Why? Gusto mong may kapalit iyan? Puwede naman,” pilyong turan nito at itinuro ang mga labi. “Kiss me here for ten seconds,” dagdag pa nito. Agad akong umatras at napangiwi. Ngunit tila seryoso ito dahil nang umatras ako ay bahagyang nandilim ang mukha nito. “W-Wala naman akong sinabing gusto ko ng kapalit. Nagtatanong lang,” pagliliwanag ko ngunit bingi ito. Nabigla na lamang ako nang umusog ito palapit sa akin at hinapit ang batok ko na ikinalaki ng mga mata ko. Huli na para umangal dahil nang lumapat ang mga labi nito sa akin ay tila ako napasailalim sa kapangyarihan nito. Mariin nitong sinakop ang bibig ko kaya tila ako nanigas sa kinauupuan. Hindi ko alam kung ilang segundo iyon ngunit tila ba napakatagal para sa akin. Nang bitiwan nito ang mga labi ko ay pakiramdam ko ay nangatal iyon. Doon lumitaw ang kakaibang mga ngiti sa labi nito, bago punasan ang kumalat na laway niya sa palibot ng mga labi ko gamit ang hinlalaki...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD