Keehana “So, kailan ka magpapakita sa mga magulang natin?” “Later, Thy. Just give me time to rest for a while,” anang kapatid nila na bagong gising lamang. Nilingon ko ang mga ito na kadarating lamang ng kusina habang tumutulong ako sa paghahanda ng agahan. “Sobrang pagod ba, Zach Martin?” may himig ng pang-aasar sa tinig ni Ate Thy. “Sabagay, nakakapagod talaga maghintay sa babaeng walang kasiguraduhan kung babalik pa.” Ow. Pasimple kong sinulyapan ang kapatid nila na bahagyang natigilan at nagtagis ang bagang. “Huwag mo akong unahan, Thy. Kakaladkarin kita sa balwarte ng mga terorista.” “Eto naman. Asar-talo pagdating sa pinakamamahal na babae. Hay! Pag-ibig nga naman.” Iiling-iling na naupo sa upuan ang babae bago ako balingan. “Good morning, Keehana.” Napangiti ako nang tip

