Kabanata 10

1982 Words
HIS LOVE, HIS OBSESSION Keehana “Mama? Tapos na po ba kayo riyan?” Natigil lamang ako sa pag-iisip nang marinig ko ang malambing na boses ni Lanie. Marahas akong napalunok at tila roon lang ako bumalik sa sarili. Napangiti ako. “S-Sandali lang, baby. N-Naliligo pa a-ako,” tugon ko at inayos ang sarili. Muli kong nilinis ang katawan ko upang pakainin na ang bata. Pinilit ko lamang ang sarili ko na kumilos kahit na wala na akong sapat na lakas. “Ano po ang nangyari sa mukha ninyo, Mama?” ang nagtatakang tanong agad sa akin ni Lanie pagkalabas ko ng banyo. Malungkot akong napangiti at inilingan ito. Dumeretso ako sa kusina at naghanda ng kakainin namin. Hindi ko na nagawa pang sagutin ang inosenteng tanong nito. Kailangan kong magpakatatag. Hindi dapat ako magpakain sa takot at lungkot dahil may mga umaasa sa akin na mga tao, at iyon ay ang mga kapatid ko. Kailangan nila ako kaya pipilitin ko ang sarili na kalimutan iyon—kahit pa napakahirap. Nang makakain kami ay nagkulong ako sa kuwarto naming magkakapatid at muling umiyak. Ilang oras na lamang at mag-uuwian na ang mga kapatid ko galing eskuwela. Susunduin pa namin sila ni Lanie. Takot na takot pa akong lumabas niyon pero pinilit ko ang sarili, masiguro lamang na ligtas mula sa kapahamakan ang mga kapatid ko. Kung maaari ko lang sanang ibaon pansamantala ang sarili sa lupa ay gagawin ko na, makatakas lang kahit saglit mula sa kahihiyang tinamo ko dahil sa ginawang kagaguhan ng mga kaibigan ni Marco. Walang oras na hindi ako umiiyak at nagwawala dahil sa galit at sakit. Totoo nga ang sinabi nila na ipakakalat nila iyon. At ngayon ay pinagpi-piyestahan na ng mga tao ang katawan ko roon. Sobra-sobra ang kahihiyan na natamo ko, maging ang school ay nagulat sa nabalitaan. Muntik pa nga nilang hindi ibigay sa akin ang card ko, kung hindi lamang ako umiyak at nagmakaawa sa kanila noong Sabado. Tiyak din na hindi na ako makakapasok pa roon next school year dahil sa kahihiyan. Dahil din sa nangyari ay napahiya ang mga kapatid ko sa mga kaklase nila. Naging tampulan din ako ng tukso lalo na sa social media. Napaka-suwerte nila dahil hindi na-video-han ang mga mukha nila, ako lamang, kaya wala pang ibang nakaaalam hanggang ngayon kung sino ang mga lumapastangan sa katawan ko. Napapikit ako nang mariin. Natatakot akong sabihin sa ibang tao ang totoo. Ni wala akong mapagsabihan ng problema ko, kahit na ang mga kapatid ko. Gusto kong maglabas ng sama ng loob sa ibang tao ngunit inuunahan agad ako ng kahihiyan. Nais kong si Mama lamang ang makausap dahil mapagkakatiwalaan ko siya. Iniiwasan ko na nga rin si Al na araw-araw nagpupunta rito para makausap ako. Hindi ako nagpapakita sa kaniya. Palagi kong ipinapasabi sa mga kapatid ko na ayokong may makausap. Ayokong lumabas ng bahay. Ayoko sa presensiya ng mga lalaki lalo na kung ibang tao. Ilang ulit ko nang sinusubukang kausapin si Mama pero bigo ako palagi. Ilang load na ang nasayang ko para lamang makausap ito pero wala talaga itong tugon at paramdam. Ni hindi man lang kami naisipang bisitahin dito kahit saglit. Hindi ko na alam ngayon kung papaano ko haharapin ang mundo, ang mga kahihiyan at problema na nakaabang sa akin oras mismo na tumapak ako palabas ng bahay. Natatakot ako sa lahat ng maaaring mangyari. Mariin kong tinakpan ang bibig at saka sumandal sa lababo matapos kong magluto. Pakiramdam ko ay malapit na akong masiraan ng ulo. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa bawat araw na lumilipas. Bukas na ang kaarawan ko at hindi ko alam kung magagawa ko bang mailabas ang mga kapatid ko upang kumain. “Ate...” Agad akong napatalikod kay Owen nang sumulpot ito bigla sa hamba ng kusina pagkauwi namin. Pinahid ko nang wala sa sarili ang basang-basang mukha ko at tumikhim. “K-Kakain na tayo. Pakitawag sila.” Hindi ko naiwasan ang pagkabasag ng tinig. Kahit sarili kong kapatid ay hindi ko magawang tingnan nang diretso sa mga mata dahil sa kahihiyan. Sino ba naman ang hindi? Marami ang nakakita ng... ng video habang hubad ako sa CR, habang hawak at subo ko ang mga ari ng mga taong lumapastangan sa akin. Tila lalo akong binarahan ng kung ano sa lalamunan. Walang naging imik si Owen at tahimik lang na pinuntahan ang mga kapatid namin. Nag-aalala na sa akin ang mga kapatid ko ngunit nananahimik lamang sila dahil nga sa ayaw kong kinakausap ako. N-Nahihiya ako sa sarili. Mabilis kong inayos ang sarili. ‘Kaya mo ’to. Lilipas din ang problema, Keehana...’ Inayos ko ang lapag para makakain na kami. Nanginginig pa rin ang lalamunan at mga kamay ko dahil sa pagbabadya na naman ng mga luha. Pinilit kong kalimutan muna ang lahat at kumain na muna, para naman kahit saglit ay maging payapa ang isip ko. Pero bigo ako... “M-Mama...” Napaigtad ako at agad na binalingan si Lanie ng tingin. Wala sa sariling tinuyo ko ang mga luha nito. Bakit ito umiiyak? Sinalakay ng kaba ang dibdib ko sa pag-aalala. “A-Ano’ng nangyari? May masakit ba sa iyo?” tanong ko’t niyakap ito nang mahigpit. Ang mga kapatid ko naman ay tahimik lamang na nakamasid sa akin. Umiwas ako ng tingin at hinagod ang likod ng bunso kong kapatid. Niyakap niya ako habang pumapalahaw ng iyak, kaya naman ay lalo akong natakot. Hindi nito sinagot ang tanong ko at sumiksik lamang sa katawan ko, tila ba miss na miss niya ako. “Baby...” “Bakit hindi n’yo na po ako pinapansin? Hindi n’yo na rin ako binibigyan ng milk! Ayaw n’yo rin po akong kausapin palagi!” himutok nito kaya’t hirap akong napalunok. “P-Pasensiya ka na.” Iyon lamang ang tanging naisambit ko. Naiintindihan ko naman ang ibig nitong sabihin dahil hindi ito sanay na hindi ko siya binibigyan ng atensiyon. Malapit ito sa akin, ngunit bata pa ito at hindi pa naiintindihan ang mga nangyayari sa ngayon kaya ganoon ang ginawa ng paslit. Hinalikan ko ito sa noo at pinilit ang sarili na ituon dito ang atensiyon. Nagpasubo ito sa akin at doon ulit siya sumigla. Napatigil lamang kami nang may marinig kaming tunog ng motorsiklo sa tapat ng bahay namin. “Sino ’yon?” takang tanong ni Tania at sumilip sa bintana. Sinundan ko ito ng tingin, pagkaraan ay ibinaling ang tingin sa mga pinggan na hinuhugasan ko. Masiyado akong wala sa sarili para makiusyoso pa roon. Baka may bisita lang sa kabilang bahay. Ngunit nagtaka ako nang biglang mataranta ang mga kapatid ko. Narinig ko ang mga yabag nila. “Ate!” tili ni Tania na tila tuwang-tuwa. May mga narinig pa akong tunog ng mga plastik ngunit wala roon ang atensiyon ko. “Ate, may bisita!” Tulala kong tinapos ang paghuhugas ng mga pinggan, bago puntahan ang mga kapatid ko sa sala namin. Bigla akong tinambol ng kaba at kahihiyan nang tumambad sa akin ang prenteng nakaupo na si Al sa upuan namin habang pinagmamasdan ako. Ang mga kapatid ko ay agad na nagsipasok sa silid namin, bitbit ang mga tsokolateng bigay ni Al. Umatras ako para sana magtago ngunit mabilis nitong tinawag ang pangalan ko. “Keehana...” Mababakas sa boses niya ang pagtitimpi, angas at galit. Masiyadong mariin ang boses niya at iyon ang lalong nagbibigay takot sa akin. Alam ko namang medyo mabait siya sa akin, pero hindi na mababago niyon ang pagtingin ko sa mga lalaki. Na baka may gawin din siyang masama sa akin tulad ng mga kaibigan ni Randy. Ayoko na. Na-trauma na ako sa mga lalaki. “Sit here and I need to talk to you.” Marahas akong napalunok. Bakit ba siya pabalik-balik pa rito? At talagang binigyan niya pa ng mga tsokolate ang mga kapatid ko para lang papasukin siya rito. Ano ba ang pakay nito sa amin? Akala ko ba ay ang nanay ko ang nais niyang makausap dahil magkakilala sila? Nanginig ang kalamnan ko at naupo sa medyo malayo rito kahit na natatakot ako rito. “I said sit here beside me. Gusto kitang makausap nang maayos.” Sumama ang timpla ng mukha ko. “Ano ba ang ginagawa mo rito? Ilang beses ko nang sinabi na ayoko ng bisita,” walang modo kong turan na ikinaseryoso nito. Tila ba hindi nito nagustuhan ang tono ng pananalita ko. Hindi ko sinunod ang sinabi niya. Bakit ko naman iyon gagawin? Baka ano pa ang gawin niyang masama sa akin. “Is it because of your scandal, huh? At bakit hindi mo isinumbong sa akin ang ginawa sa iyo ng kung sino mang mga hayop na iyon? You’re also avoiding me, Keehana, wala naman akong ginagawang masama sa ‘yo! Actually, nais pa nga kitang tulungan!” Umigting ang panga nito at tinaasan na ako ng boses. Awtomatikong nag-init ang ulo ko nang sigawan niya ako. Tulong niya? Bakit, ano ba ang maitutulong niya sa akin? Pagak akong tumawa at galit itong tiningnan. “Umalis ka na nga rito! Hindi ko kailangan ng tulong ng isang lalaki na tulad mo! Ayoko na sa inyo!” Tumayo na ako at akmang bubuksan ang pinto nang agaran niya akong hilahin pabalik. Mabilis ang naging kilos niya na tila ba alertong-alerto. Iniharap niya ako sa kaniya at galit na tiningnan. Sumalubong sa akin ang nakamamatay niyang tingin na kahit ako mismo ay nanaisin kong umatras at tumakbo palayo. Marahas kong hinila pabalik ang mga braso ko mula rito at sinamaan siya ng tingin. Ngunit hindi pa rin ito nagpatinag. Bumaha sa mukha nito ang matinding galit na tila ba malapit na akong sakalin. Ngumisi siya sa akin nang maangas, ngunit ang mga mata niya ay nandidilim sa galit. “Hindi mo kailangan ang tulong ng isang tulad ko, Keehana? Really? Ni hindi mo nga ako kilala nang lubusan para sabihin ‘yan,” nang-uuyam na aniya. Kinuha niya bigla ang mga kamay ko at saka iyon mariing hinalikan na ikinalaki ng mga mata ko. Biglang dinagsa ng mga eksena ang isip ko matapos niyang gawin iyon. Paulit-ulit na bumalik sa isipan ko ang mga eksena na pilit ko nang kinakalimutan. Ang paghipo at lamas nila sa iba’t ibang maseselang parte ng katawan ko habang hawak ng iba ang mga kamay ko sa uluhan ko at wala akong magawa... Napaiyak ako nang tuluyan at nanghina. Yumuko ako’t iniwasan ang mga titig niya na tila maraming ibig ipahiwatig. “U-Umalis ka na rito, pakiusap. Ayoko na ng gulo,” humihikbing turan ko na ikinabitiw niya sa akin. Kung kaya ko lang na kaladkarin siya palabas ay ginawa ko na. Pagak itong tumawa. “Iyon ba ang nais mo? Ayaw mong ipaglaban ang sarili mo sa mga tao na ngayon ay pinagkakaguluhan ang video mo? Ganoon ba, Keehana?” Tumigas lalo ang mukha nito. “Kasi ako, hindi ako papayag na ganituhin ka lang ng mga ungas na iyon.” Marahas ko itong itinulak palayo nang rumagasa bigla ang mga sari-saring emosyon sa dibdib ko. “Umalis ka na kasi! Sabing ayoko! Hindi mo ba iyon naiintindihan? Nais kong manahimik na lang dahil wala naman akong pera para ipakulong ang mga hayop na iyon! Al, dukha lang kami! Mas mahirap pa nga kami sa daga! Uunahin ko pa ba ang bagay na iyon para sa sarili ko kaysa sa mga kapatid ko na kailangang pakainin ang sikmura na nagugutom? Makakaya ko namang tiisin ang mga kahihiyan, e!” Hingal na hingal ako matapos kong sabihin ’yon. Itinukod ko ang mga kamay sa dibdib nito at napa-iyak na lamang. Paano kung balikan ako ng mga iyon? Hindi ko alam ang takbo ng mga utak nila dahil nga sa adik sila! Ano’ng laban ko sa mga iyon? Mayayaman sila at may mga koneksiyon dito. Samantalang ganito lang kami. Kapag sinaktan kami ng mga hayop na iyon ay baka lalo lamang lumama ang problema!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD