HIS LOVE, HIS OBSESSION
Keehana
Kung pinaplano nilang sirain ang araw ko. Pwes, hindi na kailangan. Kanina pang umaga sira ang araw ko. Actually, noon pa sirang-sira na palagi ang araw ko.
Iwinaksi ko agad sa isip ko ang mga naririnig kong pinagsasasabi nilang kabastusan kahit na naninikip na ang dibdib ko. Ipinagpatuloy ko ang paglilinis ng mga bintana ngunit sunod pa rin sila nang sunod sa akin.
“Ano na, Keehana? Bibigyan ka namin ng tatlong libo,” pilit pa ni Randy na ikinalunok ko na nang marahas.
Kaunti na lang talaga at tutulo na ang mga luha ko sa mga naririnig.
Huminga ako nang malalim at sandaling itinigil ang pagpupunas. Hinarap ko ang mga ito nang kalmado.
“Pakiusap, magsibalik na kayo sa classroom n’yo. Malilintikan kayo sa ginagawa ninyo. May CCTV dito,” mahina kong wika na muntik pang pumiyok dahil sa pagpipigil ng hikbi.
Nagkatinginan ang mga ito at sabay na nagtawanan. Tila ba isang nakakatawang bagay ang sinabi ko.
Yumuko na lamang ako dahil hindi naman nila sineryoso ang mga sinabi ko. Bahala sila kapag napagalitan.
Akmang tatalikod ako nang bigla na lang hinawakan ni Randy ang balikat ko at saka marahas akong hinila papunta sa CR ng mga lalaki na nasa tabi lamang namin.
Nanlaki ang mga mata ko at nabitiwan ang basahang hawak.
“A-Ano’ng gagawi—Ah!”
Agad na napaluha ako nang ihiga nila ako sa sahig at sinuntok sa tiyan. Namilipit agad ako sa sakit habang sila ay nagtatawanan.
Umalpas ang hikbi sa bibig ko at pinagpawisan nang husto. Hindi ko alam ang binabalak nila, kung dito na ba nila ako papatayin o ano.
Ini-lock ni Dany ang pinto ng CR ng boys bago nila ako daluhan. Napansin ko pang inilabas ni Carlo ang cellphone niya at v-in-ideo-han ako na ikinakaba ko lalo.
May biglang humila sa mga kamay ko at nilagay iyon sa uluhan ko kung kaya’t nagpumiglas ako. Sinalakay ako ng matinding takot sa mga ginagawa ng mga ito sa akin.
“Walang hiya kayo! Bitiwan n’yo ’ko!” umiiyak kong sigaw ngunit isang malakas na suntok muli ang natanggap ko sa aking sikmura. Pakiramdam ko ay masusuka ako sa mga oras na iyon, bigla rin akong nahilo habang nanlalabo ang paningin dahil sa mga luhang patuloy na umaagos.
“Bitiwan ninyo ako, pakiusap!” sigaw ko pa. Nang may biglang sumampal sa pisngi ko ay napahagulgol ako. Tila ako namanhid dahil doon. Sa laki at gaspang ng mga kamay nila ay tila nalamog ang pisngi ko. Nagsimulang maglikot ang mga kamay nila sa katawan ko kung kaya’t lumakas lalo ang pag-iyak ko. “Huwag! ’Wag! Ayoko!”
Sinubukan ko ang mga itong sipain ngunit mahigpit nilang hinawakan ang mga paa ko’t hita. Binuka nila iyon na ikinataranta ko lalo.
“Tulong! Tulungan n’yo ako! Huwag, please! Parang awa n’yo na!” sigaw ko nang may magbaklas ng blouse at palda ko.
Ngunit ang mga ito ay nagbingi-bingihan lang. Rinig na rinig ko pa ang tawanan nila habang tinututukan ako ng cellphone ni Carlo.
Nanghina ako nang maisip na nais nila ako gawan ng masama rito at kinukuhanan pa ng video. Maaaring ipakalat nila ito sa sandaling matapos ang kahalayan nila kung kaya’t halos ikamatay ko na ang nararamdaman kong takot.
Pipi akong umusal ng dasal lalo na nang tuluyan nang matanggal ang uniporme kong suot.
Kahit si Al lang, kahit siya lang ang dumating upang iligtas ako.
“’Wag, p-please. P-Parang awa n’yo na. Pare-pareho tayong mananagot nito,” nanghihinang pakiusap ko. Paulit-ulit nila akong pinagsasampal at sinusuntok sa tiyan. Halos hindi ko na maramdaman ang sarili ko sa mga oras na iyon.
Ang tanging alam ko lang ay umiiyak ako sa panghihina at pandidiri. Naging bingi ang mga ito sa bawat daing at pag-iyak ko. At kahit alam nilang namamanhid na ang mukha ko, nagagawa pa rin nilang paulit-ulit na sampalin iyon.
Diring-diri ako sa sarili habang pilit na pumipiglas mula sa mahigpit na pagkakahawak nila, kahit pa alam kong wala nang lakas ang katawan ko.
Ngunit nais kong lumaban...
Pinaghahawakan nila ako sa mga maseselang parte ng katawan nang mapansing nanghihina na ang katawan ko.
Sinubukan ko muling pumiglas ngunit ang huling pagsuntok sa akin ni Dany sa mukha ay siyang tuluyang nagpatigil sa akin.
Bumagsak ang ulo ko sa sahig habang ramdam ko ang mga pagpintig ng sakit ng katawan na dulot nila.
Hindi ko maisip kung kakayanin ko ba ang sakit at takot na idudulot nila kung sakaling gawin nila sa akin ang mga naiisip ko ngayon.
Tahimik akong napa-hikbi at pumikit na lamang.
Hindi ko kaya ang lakas nila kung kaya’t alam ko na ito na ang katapusan ko.
Basang-basa ang mukha ko sa pinaghalong pawis at luha ngunit hindi pa rin sila tumitigil.
Halos mawalan pa ako ng bait nang ilabas nila ang mga pribadong parte ng katawan nila at ipinahawak iyon sa dalawa kong kamay.
Pikit-mata kong tinanggap ang mga iyon habang nanginginig ang buong katawan. Nahihirapan akong huminga gawa ng pag-iyak, at tanging mahihinang pagsinghap na lamang ang nagagawa ko.
May pumwesto sa tabi ng ulo ko at nabigla ako nang may magsubo sa akin ng ari. Inilayo ko ang mukha ngunit pinisil ng kung sino ang pisngi ko kung kaya’t wala akong nagawa kundi ang isubo iyon.
Sa mga oras na iyon ay nais kong humingi ng tulong sa Mama ko. Gusto kong tulungan niya ako. Ngunit alam kong napaka-imposible ng hinihiling ko. Wala siya rito.
At hinding-hindi niya ako pupuntahan dahil alam kong abala siya roon sa pagpapakasaya sa mga kustomer niya kahit pa buntis siya.
Umiikot ang paningin ko dahil sa sakit at hilo habang sila ay naririnig ko ang mga ungol.
Mayamaya’y may naramdaman akong malagkit na likido na itinapon nila sa mukha at dibdib ko. Binitiwan nila ang mga kamay ko at nag-ayos ng sarili nang makaraos.
Natulala ako sa kisame, hinang-hina at naghihinagpis sa sakit at pandidiri.
Hindi ko na alam ang gagawin ko...
“Tiyak na pagpi-piyestahan ito sa mga porn site. Magte-trending din ito mamaya rito sa school panigurado...”
Hindi ko na nagawang marinig pa ang iba pang mga sinabi ni Randy dahil muli akong napahagulgol.
Umalis sila agad na tila walang nangyari.
Gumapang ako papunta sa sulok at niyakap nang mahigpit ang nanginginig na katawan.
Hindi ko akalain na magagawa nila akong bastusin nang ganoon. Tuloy-tuloy na umagos ang mga luha ko pababa sa pisngi. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang mga eksena na nangyari kani-kanina lamang.
Sa mga oras na iyon ay alam kong nasa gym na lahat ng mga estudyante at professor. Oras na ng uwian at siguro’y matatapos iyong meeting pagkatapos ng ilang minuto.
Natulala ako at hinaplos ang mukha na nagdurugo. Pumutok ang gilid ng kilay at labi ko dahil sa pagkakasuntok nila kaya nanginig ako lalo.
Paulit-ulit kong binanggit ang pangalan ni Mama, umaasa na nandirito siya sa tabi ko at pinapatahan ako at sasabihing nandito lamang siya para sa akin, na parurusahan niya ang mga gumawa nito sa akin. Pero wala. Walang dumating sa akin upang tumulong at sabayan ako sa pagdadalamhati ko.
Isa rin sa ikinatutuliro ng isip ko ay ang video sa cellphone ni Carlo na base sa sinabi ni Randy ay ipakakalat nila. Nanghina ako lalo sa kaalamang iyon. Kapag kumalat iyon ay talagang lalong magiging kahiya-hiya ang pagkatao ko. Mapapahiya pati ang mga kapatid ko dahil may ate sila na may scandal.
Napatakip ako ng mukha at tahimik na umiyak sa sulok ng banyo.
Inayos ko rin ang sarili at naghilamos nang kumalma na ang paghinga ko. Pinalipas ko rin ang minuto at nanatili roon habang hindi pa tumutunog ang bell, na naghuhudyat na maaari nang lumabas ng school ang mga estudyante.
Nanginginig at nanlalambot ang katawan ko nang lumabas ako ng pinto. Hawak-hawak ko ang nananakit kong tiyan at saka naupo sa tapat ng pinto. May paliko pang daan papunta sa banyo ng mga lalaki kaya hindi ako ngayon kita sa CCTV.
Hindi ko na halos alam kung ilang minuto akong nakaupo sa malamig na semento bago ko narinig ang pagtunog ng bell. Kahit na nanghihina ay kinuha ko ang nabitiwan ko kaninang basahan. Kung sakaling may makakita sa akin dito ay iisipin nilang naglilinis lamang ako ng mga dumi sa dingding. ’Yon nga lang ay hindi ko alam kung papaano ko tatakasan ang camera-ng nakatutok dito.
Mayamaya’y may mga lalaking nagsipasok sa CR kaya kunwaring nilinis ko ang dingding. Iningatan ko rin na hindi nila makita ang mga pasa at sugat sa mukha ko.
Nang dumami na ang mga estudyante sa hallway na kalalabas lang mula sa gym ay nakisabay ako roon.
Tanging pagyuko at mabibilis na hakbang ang ginawa ko sa mga oras na iyon upang makauwi na agad. Nais ko na lamang magkulong sa bahay ngayon at magmukmok.
Ibinalik ko sa likuran ng building ang mga basahan at balde bago ako nagmamadaling umalis ng school.
Hindi ko na hinintay pa si Al at maging si Oliver dahil tinakbo ko na agad ang daan papunta sa bahay namin.
Pigil na pigil ko ang mga luha, at nang makarating sa bahay ay naabutan kong natutulog mag-isa sa kuwarto si Melanie.
Umalpas sa bibig ko ang isang hikbi habang pinagmamasdan ang paslit na payapa at mahimbing na natutulog.
Sana ay maging ganiyan din ang tulog ko sa mga magdadaang gabi simula ngayon.
Marahas kong tinuyo ang mga luha at inilapag sa sahig ang bag. Agad akong kumuha ng pamalit na damit at nagmamadaling tinungo ang banyo upang maligo.
Kinuskos ko ng sabon ang katawan. Ni wala akong pinalampas na balat. Siniguro kong matatanggal ang mga marka ng paghawak sa akin ng mga hayop na iyon kahit na humahapdi na ang balat ko sa sobrang diin ng pagkuskos ko.
Nagsimula ulit na mamuo ang mga luha ko sa mga mata habang pinagmamasdan ang sarili.
“Ahh!” Sa galit ko ay ibinato ko ang sabon sa dingding at sinabunutan ang sarili. “Mga hayop kayo!” Wala na akong pakialam nang matumba ako sa sahig dahil sa panghihina.
Paulit-ulit kong ini-uuntog ang ulo ko sa sahig habang hinihila ang buhok.
“M-Mga hayop kayo,” paulit-ulit kong sambit sa sarili habang patuloy na umiiyak.
Wala na akong mukhang ihaharap pa sa school bukas. Hindi ko rin alam kung makakapasok pa ako upang tapusin ang huling araw ko bukas sa pagko-community service, at ang huli na ring pasok ngayong school year bago ang bakasiyon.
Niyakap ko ang mga tuhod at paulit-ulit na isinumpa sa isipan ang mga lalaking iyon.
Ang akala ko ay hanggang pang-aasar lamang sila sa akin. Hindi ko alam na makakaya nilang gawin sa akin iyon.
Mabuti na nga lang at hindi nila kinuha ang pagkabirhen ko.
Naglililikot ang mga mata ko habang pinagmamasdan ang sahig ng banyo. May mga bakas doon ng dugo dahil sa paulit-ulit kong pag-untog ng ulo kanina.
Muli akong natulala.
Pilit kong iwinawaksi sa isipan ang mga eksena kanina ngunit para iyong sirang plaka na paulit-ulit na bumabalik sa utak ko. Hindi maalis.
Umiling-iling ako sa sarili.
Kinamot ko ang leeg, dibdib at ang mga hita ko dahil iyon ang mas hinawakan nila kanina. Hindi ko ininda ang mga pasa ko sa dibdib at tiyan at patuloy na kinamot iyon na halos ikadugo na ng balat ko.
“Mama,” wala sa sariling tawag ko sa aking ina.
Kanina ko pa hinihiling na sana ay narito siya sa tabi ko, ngunit wala talaga. Wala akong karamay sa mga oras na iyon, gayong kailangan na kailangan ko iyon...