"Winoona!" Bigla akong napalingon sa tumawag sa akin. At napangiti ako ng mapagtanto kung sino iyon. Si Eldon anong ginagawa ng isang ito dito. Maya maya'y lumapit ito sa akin. "Hey!"Bati nito at niyakap ako. "Anong ginagawa mo rito?"Mag pagtataka na tanong ko.Lumapad ang pagkakangiti nito saakin. "Aayain sana kitang lumabas mamaya if okay lang?Sunduin kita after ng work mo, nang makapag kwentuhan naman tayo ng matagal tagal."'ani nito na nakangiti parin saakin.Napakamot ako sa aking batok. Hindi ko kasi alam kung makakalabas ako ng maaga dahil sa tambak ang naiwan kong trabaho sa opisina.Saka isa pa nga pala,may pupuntahan kami mamaya ni sir Nick. "Mamaya agad agad?Not sure Eldon,kung makakalabas ako ng maaga. Saka isa pa,may business meeting nga rin pala kami pupuntahan ni bos

