Chapter 6

1362 Words
Mabilis na lumipas ang mga araw at buwan na din namin kasa-kasama ang bagong presidente ng Fuentebilla at sa loob lang ng isang buwan na yun ay marami na ang mga nagbago sa opisina. Kung dati-rati nakakapag tsimisan pa kami kahit sa oras ng trabaho kahit saglit lang , ngaun hindi,dahil masisita kami ni Mr Fuentebilla (AKA) Poging suplado Nasa table ako at may kausap na client ng bigla akong ipatawag sa office ni Sir Nick. "Noona,tawag ka sa opisina ni Sir." Ani Cindy na kaibigan ko. "Ako muna dyan,switch muna tayo.Si sungit, ayon parang bulkan taal na nag aalburuto doon sa loob.Hinahanap ka.Puntahan mo na muna at baka bumuga na ng apoy yun sa galit." bulong pa nito sa'kin. Napatayo ako sa sinabi ni Cindy. Ano na naman kayang problema ng masungit na yon?Hay nako! hindi ba talaga dadaan ang isang araw ng hindi siya nag susungit at nagsu-suplado! "Ma'am, si miss Alcantara po mag a-assist muna sa inyo." Paalam ko sa client ko saka itinuro ko si Cindy. Nakangiting tumango naman ito. Tumayo na ako at saka tinungo ang opisina ni sir Nick. Nasa pintuan na ako ng office nito saglit akong tumigil sa paglalakad. Pinikit ko mga mata ko at saka huminga nang malalim dahil sa kabang nararamdaman ko. Maya-maya pa ay kumatok na ako ng dalawang beses. "Come-in!" Malakas na sabi pa nito sa boses na tila galit na naman. "S-sir pinatatawag n'yo daw po ako." Halos mautal utal kong sagot dito ng makalapit ako sa table nito . Nag angat naman ito agad ng tingin .Tulad nang dati salubong na naman ang mga kilay at titig na titig na naman na akala mo e may dumi ako sa mukha.At ang pag kakulubot ng noo eh hindi na naman maipinta. "Obvious ba?Kanina pa kita tinatawag pero para kang walang naririnig miss Mirandaflor!" Bulyaw nito sa'kin. Halos mag echo pa ang malakas nitong tinig sa buong opisina nito.Kahit nangangatog ang tuhod ko sa kaba,muntik na akong humagalpak ng tawa dahil sa mali na naman pag tawag nito sa apelyedo ko. "I'm sorry po sir." Tanging nasabi ko na lamang at pigil na mapatawa dito. Pero tila nahalata nito ang pagtawa kong iyon . "Are you laughing at me!?" galit na sita nito sa akin at lalo pang nag salubong ang mga kilay sa akin at titigan Ano ng mariin. "No Sir." nakayuko at nahihiya kong sagot dahil hindi ko kayang salubungin ang mga titig nito sa akin. "Look miss Mirandaflor,hindi ako nakikipag biruan sayo.Kaya umayos ka!Ayusin mo mga pinagagawa kong trabaho sayo. Gawin mo ito ngayon din.Dapat bukas bago mag lunch tapos mo nang gawin ang mga iyan, dahil kailangan kong ipasa sa board yan." Galit nitong pagkakasabi sa'kin. Napatingin ako sa mga paperwork's na nasa ibabaw ng table nito. Madami iyon at sa kalkula ko over time na naman ang aabutin ko. Napabuntong hininga kong kinuha ang mga papers "Yes po Sir" Tanging nasabi ko na lang. Wala naman kasi akong magagawa kung'di ang sumunod dito. Napatingin ako sa wrist watch ko. Alas-otso na at out na din ang mga ka office-mate ko. Tanging ako na naman ang natira. "Hindi ka pa ba uuwi?" Si Cindy mukhang pauwi na din ito dahil sakbit na ang kanyang bag. Umiling ako dito saka itinuro ang mga ginagawa kong isang katerbang mga papel. "Ano ba naman yang si sir, parang nagdududa na ako diyan kay Sir a," Kunot ang aking noo na tiningnan ang aking kaibigan. "Duda na ano?" "Hindi kaya gusto ka lang niyan masolo? Kaya madalas magpa over time ng gawa sayo?" Tudyo nito saakin.Bigla kong nahampas si Cindy dahil sa mga sinabi nito. Umiral na naman ang marumi nitong utak. Sa amo at ganda ni Cindy ay hindi mahahalata dito na may pagka pilya ito. "Hoy!Kung ano-ano pinag-iisip mo diyan a. Umayos ka nga, loka- loka." Ani ko at pinandilatan ito ng mata. Humagalpak na naman ito ng tawa at tila parang kilig na kilig pa sa mga sumunod na sinabi. "Bakit ayaw mo?E pano nga,kung totoo ang iniisip ko." Napangiwi ako sa sinabi nito.Kahit wag na. Kung sa isang masungit lang din naman na gaya ng boss kong iyon. "Pangilabutan ka nga sa pinagsasabi mo Cindy. Hoy boss natin yan,saka tingnan mo nga ubod ng suplado,istrekto, arogante pa.Ni hindi nga marunog ngumiti yan e!Saka tingnan mo ang ganyan tipo ng lalaki ang gusto niyan yung kalevel din niya. Ang babagay diyan yung maganda,sexy saka yong may sinabi din sa buhay.At saka isa pa mas bagay sa kanya yung kauri din niya na ubod sungit." Nakanguso kong pagkakasabi sa kaibigan ko. "Ay nako girl,basta ako bet ko siya kahit ang sungit-sungit niya araw-araw." "Ewan ko sayo,kung bet mo e'di diskartehan mo na." Sabi ko dito natatawa. "Ay nako,paano ko di-diskartehan kung ikaw ang gusto." Ani nito sabay tawa na naman ng nakakaloko. "Baliw ka!Sige na, gabi na. Baka lalo hindi ko matapos itong mga ginagawa ko, kakachismis mo". Taboy ko na dito. "Bye girl. Una na ako sayo.Ingat ka sa pag-uwi mo mamaya or di kaya mag pahatid ka kay pogi". "Loka ka talaga." Tanging nasabi ko na lang dito at saka pinagpatuloy ko ang aking mga ginagawa. Ilang minuto ng nakakaalis si Cindy ng tumunog ang telepono ko. Si tyang Carmen. Tumatawag na. Baka nag aalala dahil wala pa ako sa bahay. "Hello po, tyang?" "Noona, nasaan kana?Gabi na." "Tyang nasa opisina pa,medyo gagabihan po ako. May tinatapos lang po." "Ay ganon ba. Siya mag ingat sa pag uwi." "Opo Tyang .Salamat po." Narinig ko nag end call na ito. Gabi na ng matapos ko ang isang katirbang mga paper works na pinagawa sa akin ni sir Nick. Medyo nanakit pa ang aking leeg. Marahil ay sa pag kakatungo ko .Hagya kong inangat ang aking leeg para maibsan ang pananakit noon. Napatingin ako sa wrist watch ko at saka ko lang napagtanto na eleven thirty na pala ng gabi.Napabuntong hininga ako.Uuwi na naman ako tulog ang kapatid ko.Minsan na lang kami mag pangita nito. Kung dati-rati naihahatid ko pa at naisasabay si Bon sa kanyang school. Ngaun mukhang labo pa yata sa malabong sabaw ng pusit na magawa ko ulit iyon kay Bon. Matapos kong mailigpit ang mga kalat ko ay tumayo na ako at nag ready na paalis ng opisina.Pinatay ko na din ang ibang ilaw na naka bukas. Naglalakad ako palabas ng office at ang atensyon ay nasa pag cellphone. "Are you done?" "Ay anak ka ng unggoy!" Gulat at patalon bulalas ko. Tumingin ako sa lalaking nagsalita At ganon na lang ang pagkagulat ko. Si sir Nick nasa may pintuan ng opisina namin tahimik na nakasandal pala ito doon at nakahalukipkip ang mga kamay. Naramdaman ko na naman mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko ng makita ito.Hindi ko alam kung dahil sa pagkagulat or dahil sa lalaking naka tayo sa pinto. Kahit na halata ko ang pagod nito hindi pa rin nawawala ang gwapo nitong mukha. Lalo na sa suot nitong black suit ang sexy niyang tingnan doon. Hagya pang kumunot ang noo nito ng medyo natulala pa ako. Huminga ako ng malalim.Pilit kinalma ang sarili dahil sa aking nararamdaman. "Y-yes po Sir'' Halos utal kong sagot . "Pahatid na kita kay Felex." Alok nito sabay kuha ng cellphone sa kanyang bulsa . "Sir hindi na po." Tutol ko dito medyo nakakahiya naman kung pati sariling driver nito ay oobligahin pang ihatid ako. "Gabi na kaya-" "Sir okay lang po ako.May masasakyan pa naman ako." Putol ko nasa iba pa nitong sasabihin . Pero pinukol lang ako nito ng matatalim na tingin. Saglit pa kaming nagka titigan hanggang sa kusa na akong nagbaba ng tingin. Hindi ko alam pero hindi ko kayang salubungin ang bawat titig nito sa akin. "Gabi na.Ipapahatid na kita.Dahil kapag may nangyari pa sayo, sa daan kargo di konsensya ko pa". Napanguso ako bigla sa sinabi nito . May konsensya din pala ang Aroganteng suplado na to. Sa isip-isip ko. Hindi na ako kumontra pa sa nais nito na ipahatid ako. Mas mabuti na nga siguro yon.Medyo malalim na din ang gabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD