Chapter 5:The New CEO

1712 Words
Pagdating ko sa opisina nakita ko si Cindy na halos humaba na yata ang leeg nito sa katatanaw sa wall glass ng opisina na tila may tinitingnan sa bandang kanan ng aming room. "Ginagawa mo?" Tanong ko dito na mukhang nagulat pa sa akin ng bigla akong nag salita . "Ano ka ba naman Noona,nagulat naman ako sayo!" Ani nito na sapu-sapo pa ang dibdib. "Pano hindi ka magugulat e, kulang na lang maputol yang leeg mo sa kakatanaw mo dyan!'' Sagot ko saka tinungo ang aking table. "Pano ba naman girl!nandyan na dw yong new boss natin!" Sabi pa nito na sa boses halata ang pagka excited. "Hmmmm,ay nako maupo ka kaya muna at akoy nahihilo sayo."reklamo ko na dito Ilang minuto pa at dumating na si Sir Eff.Pinatawag nito ang lahat ng empleyado sa conference. Alam ko na iyon na ang hudyat ng pagbaba nito sa pwesto. At nag bigay ng huling mensahe sa aming mga empleyado ng Real State. "Good morning everybody! First of all,i just want to say thank you to all of you!sa di-dekasyon n'yo sa trabaho. Kung hindi dahil sa sipag at tiyaga ninyo ay wala ngayon ang Real State sa kinalalagyan nito ngayon. Maraming salamat sa inyo. It is as expected today,that i have stepped down as President of the Company. I hope that even though i am not the President, you will continue to support what you have started here in the company. So that's all thank you again. By the way I want to Introduce to all of you the New President! Please Welcome,Our New President and CEO, "My oldest son,Nickholas Fuentebilla!" Nag palakpakan ang lahat ng mga tao sa loob ng conference room . Tili naman ang narinig ko sa mga ka office mate ko na babae na tila kilig na kilig ng makita ang pagpasok ng isang matangkad na lalaki. Hindi ko ito agad makita dahil sa ibang tao doon na mga naka tayo para mag bigay pugay sa bagong president. "OMG!!ang hot at pogi nya!" narinig kong pagkakasabi ni Miya kay Cindy. Ako naman halos itaas ko na pareho ang mag kabila kong paa para lang makita ito. Ang hirap ng kinulang sa hieght! At para akong tinuklaw ng ahas ng makita ko at makilala kung sino ang bagong boss namin. Halos hindi ako makagalaw at sandaling natulala pa. Itong lalaki na to?Itong suplado na 'to!Siya ang bago namin CEO!?"Andon na naman ang malakas na kabog sa dibdib ko ng makita ang supladong pagmumukha na yon . Ang hindi ko maipaliwanag na nararamdaman e,yung labis-labis na kaba na ewan ko kung bakit. Why does he look sexy in that blue dark suit!kahit na ang mga mata nito ay parang may kulang or lungkot akong nababanaag.Kahit ang mukha nito ay ubod ng seryoso kung tumingin. Kahit na suplado Hindi pa rin nito naaalis ang kagwapuhan sa mukha. A well build handsome body. Sigaw ng isip ko. "Winoona okay ka lang!?" Untag pa sa akin ni Cindy na nangingiti pa. Tila nahimasmasan naman ako sa tanong na iyon ng aking kaibigan. Gusto kong sagutin ito na hindi! Sino ba naman ang magiging okey kung ito ang bagong amo ko!Alanganin akong ngumiti kay Cindy at saka tumango. "Mr.Nickholas Fuentebilla is our new President." Sabi uli ni sir Effren Isang tipid na tango lang ang binigay nito sa aming mga empleyado. "Kowww may pagka suplado talaga itong si Mr poging lamig.Kaya naman pala ganon kung umasta e, sya naman pala talaga may ari ng building na ito" Iiling -iling kong sabi sa sarili ko. So ito ang panganay na anak ni sir Eff,mas pogi nga sa mga nakababatang fuentebilla. Ang pinag kaiba nga lang eh parang hindi marunong ito ngumiti. Pag pasok pa lang kasi seryosong seryoso ang mukha. Pano kayang naging anak ito ni sir eff eh ubod ng arogante ,saka halatang may pag ka estrikto itong si poging lamig . Umayos ka Noona, mukhang araw-araw yata eh ang makakasama mo ay dinaig pa ang babaeng nagme-menopuase . Tapos na ang pag bibigay ng mensahe ni sir eff at nasa opisina na ang mga ito kasama na ang bagong boss naming si Mr poging lamig,este Mr Feuntebilla!. At mga nagsibalikan na din kami sa mga trabaho namin ng bigla akong tawagin ni sir Eff. "Noona, come to my office. Oh I mean our new president office.'' Nakangiting pagkakasabi sa'kin ni sir Efren. Agad na akong kinabahan. Mukhang makakaharap ko agad-agad si Mr sungit. "Noona,noona,relax!"sa isip isip ko na pilit kinakalma ang sarili.Nasa pintuan na ako ng office ni Mr Sungit.Huminga ako ng malalim saka kumatok ng dalawang beses. "Come -in." Boses ni sir Eff ang narinig ko. "Sir?" Alanganin kong bati kay sir Effren ng nasa loob na ako. Lihim kong sinulyapan si Mr sungit . He's sitting in a swivel chair ang atensyon nito ay nasa mga papers na nasa ibabaw ng table . Aba't mukhang busy na ang masungit. Mas pogi pala ito sa malapitan. Napatingin ako sa mga labi nitong mala rosa rosa na napalunok pa ako ng lihim. s**t parang ang sarap!Bigla kong iniwas ang tingin dito ng muling nag salita si sir Effren "Iho,meet my beautiful assistant,Winoona Miraflor." Nakangiting pagpapakilala sa akin ni Sir Effren.Napangiwi naman ako sa sinabi na iyon ni sir Effren. Nag-angat ito ng tingin saka tumayo at tumingin sa akin. Tila nagulat ito ng makita ako. Ngunit agad din naman nawala sa mukha nito ang pagkagulat. Bagkus ay palihim na tumaas ang kilay nito sa'kin. Ilang segudo din ang ginawa nito pagtitig sa akin na akala mo e may dumi ako sa mukha maya- maya pa eh napakagat ito sa sariling mga labi dahilan para panandaliang lumabas ang malalalim nitong dimple. "Noona, this is my son. Nickholas Fuentebilla. And ofcourse your new boss." Kumabog na naman ang aking dibdib ng mag tama ang aming paningin. "G-good morning po si-sir.'' Halos magkautal-utal kong bati dito. Isang tipid na tango na naman ang binigay nito sa akin.Seryoso pa rin itong nakatingin lang sa akin at ang noo ay kunot na kunot. Nako kung hindi ka lang gwapo baka nagmukha ka ng palakol sa pag kalalim ng kulubot sa noo mo. Naku! ubod ng suplado. Ano ba to may dila?ni hindi man lang marunong mag salita eh. Maya-maya pa e kinausap na ako ni Sir eff. Tungkol sa mga maiiwan na nito trabaho. Nasa isang table kami ni sir Eff sa opisina mismo ni Mr sungit dahil may extra table doon na pinasadya yon ng matandang Fuentebilla before nung ito pa ang president.Dahil minsan doon ko ginagawa ang mga emergency papers na kailangan ng Fuentebilla Financing. "Noona,alam mo naman lahat ng mga paper works ko na hindi natapos . So ikaw na bahala mag bigay noon kay Sir Nick mo . Saka ang files ng financing ikaw na din ang mag submit noon." "Yes po sir." sagot ko na medyo nalungkot sa pagre-tired ng matanda. "And..Noona, ikaw na bahala dyan sa bago mong boss a,pag pasensyahan mo na minsan. Medyo may pagka-suplado lang yan ,pero mabait yan." Muli ay sir Eff na may kasama pang malulutong na tawa. Npatingin ako bigla sa gawi ni Mr sungit. At sa hindi ko inaasahan nahuli ko nakatingin ito sa akin at titig na titig. Problema kaya ng suplado na'to ? Agad naman nag-iwas ito ng tingin ng makita nitong naka kunot noo akong naka tingin din sa kanya. Ilang minuto nang nakaalis si Sir Effren. At ako nanatiling nasa office ni Mr sungit.Halos mabingi ako sa katahimikan namin dalawa sa loob ng opisina tanging mga lagitngit ng mga papers ang naririnig ko. Ewan ko ba kung may dila ba itong kasama ko dito.. Tapos ko ng gawin ang mga files ng financing kaya naman nag tungo ako sa table ni Mr sungit!este ni Sir Nick" Busy ito sa monitoring. At ang gwapo nitong mukha seryosong -seryoso na naman . At itong dibdib ko ito na naman ang kaba!Hindi ko alam kung bakit ganito nararamdaman ko. Bago sa akin ang pakiramdam na ganito. Tumikhim ako para makuha ko atensyon nito. "Sir excuse po." Untag ko dito. Ang kaba ng dibdib ko ay naroroon na naman habang naka tayo sa harapan ng table nito. Nag angat naman agad ito ng tingin sa akin.Saka dumako ang mga mata sa mga hawak ko. "Yes?" Sabi nito sa baritonong boses.But the beat of my heart suddenly stop when I look at him.Parang pati ako ay natulala na rin. "Yes?" ulit nito na medyo parang iritado na sa boses. "Ah Sir, ito po 'yong sa fuentebilla financing." Nasabi ko na lang dahil parang kakapusin ako ng hininga. Kinuha nito ang mga papel na hawak ko saka umupo muli sa swivel chair. Sinuri nito ang mga iyon na ginawa ko. Saka muling tumingin sa akin na naka kunot noo. "There is more?" Tanong nito sa akin sa malamig na boses ng makita akong nanatiling nasa harapan ng table niya. Kabado ako ng umiling.Hindi ko "Ah wala na po. Kung wala na po kayong ipapagawa. Babalik na po ako sa table ko." Tanging pag-iling lang ang naging sagot nito. Papatalikod na ako para tunguhin ang pintuan ng opisina ng muli itong nag salita. "So ikaw pala ang secretary ko?The girl on the elevator last friday, at kanina." Napaharap bigla ako dito pero nanatiling nasa monitoring ang tingin ni sir Nick. Ang isang kamay nito ay nakapang halumbaba. Habang ang isa naman ay abala sa monitoring . Di ko inaasahan na maalala pa nito yung nangyari last friday sa elevator,nag init bigla ang mukha ko ng maalala ko pa na nahuli ako na sinusuri ko ang kabuuhan nito. "I'm s- sorry po sir". nahihiya kong paumanhin dito. "Are you aware,that I am your boss?" "No po Sir.'' Sagot ko dito na kahit kinakabahan eh pilit na kinakalma ang sarili. "Next time, maging maingat ka sa tatarayan mo. Dahil hindi mo kilala kung sino ang kaharap mo. You may go now." Ani nito taas ang kilay at saka nagbaba ng tingin. Ako naman ay nagmamadali ng lumabas. Nakahinga lamang ako ng maluwag ng nasa table na ako. Mariin akong napapikit . ''Paano na 'to, mukhang terror ang bago kung boss!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD