Chapter:4 .Pagtatalo
Nang makababa ako ng jeep malalaking mga paghakbang ang aking ginawa. Halos tumakbo na ako upang marating lang ang building. Ilang minuto na lang ang natitirang uras ko.Napatingin ako sa aking pambisig na relo. Fifteen minutes na lang ang natitira sa uras ko at mahuhuli na ako. Ngayong lunes ang pagbaba sa pwesto ni Sir Efren bilang CEO ng kumpanya.At ngayon araw din na ito uupo ang papalit na CEO kay Sir Efren.Sana ay mabait din ito. Katulad ni Sir Efren.Nakaramdam ako ng kaba ng maalala ko ang sinabi ni Cindy na posibleng ang anak ni sir ang papalit sa iiwanan nitong pwesto. ''Wag naman sana magkatotoo.''Tanging na usal ko.Kapag nagkataon ay hindi ko alam kung paano ito pakikisamahan sa trabaho lalo pa at ang bulong-bulungan ng mga nakararami sa opisina ay ubod sungit at suplado ito.Wala akong idea kung anu ba ang itsura ng lalaking iyon. Dahil hindi ko pa naman ito nakikita sa tatlong taon na pagtatrabaho at pamamalagi ko sa kumpanya ng mga Fuentibella. Madalas ko lamang marinig sa mga ka officemate ko na ma's nauna nanilbihan sa akin sa kumpanya na mas gwapo daw ito keysa kina Sir Eric at Sir Archie.Kung kayat kahit ubod sungit daw ito ay kayrami pa din na mga babae ang nagkakandarapa at humahaba ang leeg kapag nakikita ito. Lakad takbo ang ginawa ko para lang makarating ako sa building. Kaya naman hingal ang aking inabot ng makarating ako kay Kuya Henry ang guard na nakabantay sa pinakang entrance ng building. Ngumiti ako dito at akmang pagpasok ang gagawin ko ng bigla ako nitong harangin. Takado na napatingin ako kay kuya Henry.
"Ma'am I'd po."sabi nito sa akin at saka napakamot sa sariling ulo. May pagtataka man ay agad na kinuha ko ang aking I'd sa aking bag at saka iniabot yun kay kuya Henry. Dati-rati naman ay hindi na kailangan ipakita rito ang I'd lalo na kaming mga empleyado ng Fuentibella dahil kilala na naman kami nito.
"Pasensya na po, ma'am Noona,napag utusan lang po ako ng anak ni Sir Efren."Sabi nito sa akin. Siguro ay nahalata nito ang nagtataka sa aking mukha. Tanging ngiti lang ang aking ginawang sagot kay kuya Henry. Late na talaga ako!Matapos kong ipakita ang aking I'd ay nagmamadali na akong pumasok sa loob. Ni hindi ko na nakuha pang mag tanong kung sinong anak ni Sir ang nag utos dito.Baka si Sir Eric o,di kaya si Sir Archie.Late na talaga ako. Kung bakit ba naman kasi hindi tumunog ang alarm ko gayong na I-set ko naman iyon.Nasa elevator na ako. Napakamot na lamang ako sa sarili kong ulo ng makita na wala pa doon si Janice. Ang elevator girl na nag o-operate. Madami-dami akong hawak kaya naman ay nahirapan ako sa pag pindot. No choice dahil wala akong kasabay. Sa 15th floor pa ang opisina ko.Naka pwesto na ako at naghihintay na lang sa pagtaas ng elevator ng bumukas ulit ang pintuan. Napa atras ako ng pumasok ang apat na lalaki na animoy bouncer sa nightclub.Halos mga naka puting polo ang suot ng mga ito. Sa tangkad at laki ng mga katawan ng mga ito ay nagmukha tuloy akong batang paslit na nakahanay sa mga ito. Muli ay napaurong ako sa kasulok-sulukan ng elevator ng maya-maya pa ay may isa pang lalaki na sumakay.Nakasuot ito ng dark blue suit with red tie. Habang black slack pants naman ang pang ibaba nito.Dahil nasa pinakang sulok ako ay hindi ko makita ng maayos ang mukha ng lalaking bagong pasok.Pa lihim ko tiningnan ang mukha nito.Na kahit pa nga ay nahihirapan ako sa aking ginagawa na pagtingin-tingin sa gawi nito..Kumunot ang aking noo ng makita ko ng maayos ang mukha ng lalaki. Pamilyar sa akin ang mukha ng lalaking ito. Nanlaki ang aking mata. Bigla kong inalis ang aking tingin sa lalaki ng maalala ko ang lalaking aking nakasabay noong nakaraan na linggo.Hindi ako nagkakamali siya iyong ubod sungit na kasabay ko. Biglang nag init ang aking mukha ng aking maalala ang ginawa nitong pagsusungit sa akin. Marahan akong umisod sa hulihan ng elevator, na kahit pa nga halos mag ala suman na ako sa aking pagkakatayo dahil sa nasisiksik na ako ng apat na kasama nito. At may kasama pang bodyguard ang supladong ito. Hindi ko alam kung bakit ganun na naman kalakas ang kabog ng aking dibdib. Kinakabahan ako na di ko mawari. Parang aatakihin ako sa puso anumang uras. Dali-dali kong inalis ang aking tingin dito ng maramdaman ko na papunta sa gawi ko ang tingin nito. Baka sabihin na naman ng masungit at supladong ito na huhubaran ko siya kesyo nakakabastos ang ginagawa kong pagtitig dito.Napalunok ako ng maramdaman ko na sa gawi ko na ito nakatingin.At hindi nga ako nagkamali ng mag angat ako ng tingin dito ay nanlamig bigla ang kamay ko. Matiim itong nakatitig sa akin. Maya-maya pa ay kumulubot ang noo nito.Tumaas ang kanang bahagi ng kilay nito habang nakatitig sa'kin .Humigpit ang aking pagkakahawak sa mga folder na dala-dala ko. Wala akong magawa kundi ang tiisin ko ang paninitig nito sa akin. Sunod-sunod na pagbuga ng hangin ang pinakawalan ko dahil pakiramdam ko ay pangangapusan ako ng hininga. Halos pag pawisan ang mga palad ko dala ng sobra-sobrang kaba. Parang tambol na ang aking dibdib dahil sa palakas ng palakas ang pagkabog noon.
"Sir, 15th floor na po."Narinig kong sabi ng isa sa mga lalaking kasama nito at saka nagmwestra ang kamay palabas ng elevator.Dala ng aking pag aalala na mahuli na sa aking opisina ay nagmamadali na din ako sa paglabas ng elevator.Ngunit bago pa man ako tuluyang makalabas ng elevator ng aksidente akong mabunggo ng lalaking aking kasabay dahilan upang ang lahat na mga paperwork ko ay tumilapon sa sahig. Ang siste pa ay para lang wala dito ang nangyaring pagkakatapon ng mga dala-dala.Dire-diretso lang ito sa pag labas ng elevator na para bang walang anumang nangyari. Inis kong pinulot ang mga paperwork's ko na ngayon ay mga madudumi na at ang iba ay medyo nabasa pa. Marahil ay dala pa sa maagang paglilinis sa building ng mga janitor na nakatalaga dito kung kaya't nabasa ang ilan sa mga paperwork's ko.
"Sana lang ho,kahit despensa ay marunong kang humingi. Hindi yung para kang walang nasaling at na purwisyong tao!"Inis at hindi nakapag pigil kong sabi habang isa-isa kong inaayos ang aking paperwork sa aking mga kamay.Napalunok at kinabahan ako ng makita ko ang paghinto nito.Ngunit alam ko na nasa tama ako. Kaya wala akong dapat na ikatakot.
''Pasensya na po ma'am, Nagmamadali po kasi ang amo namin."hinging paumanhin naman ng isa sa mga lalaking kasama nito.
"Sir hindi lang po ang amo ninyo ang nagmamadali.Ako din ho. Pero sana naman po,kahit paghingi man lang ng paumanhin ay magawa niya ,hindi yung parang wala lang sa kanya na nakadanggil ng tao."Yamot kong sagot at saka ipinagpag ang mga nahulog kong paperwork.
"Pasen-"Naputol ang iba pa sanang sasabihin ni Manong ng humarap sa akin ang lalaki. Madilim ang mukha at salubong na naman ang kilay itong nakatingin sa akin.
"Are you saying miss,na dapat humingi ako ng pasensya sayo dahil sa pagkakatapon ng mga dala-dala mo?"Sabi nito sa akin na halos magdikit na ang magkabilang kilay. Sumabay pa ang mata nitong matalim ang tingin sa akin."Bakit hindi ba?"Inis at matapang kong sagot dito.
''Look , wag mong isisi sa ibang tao yang pagiging careless mo!Don't waste my time, dahil bawat segundo at minuto ay mahalaga sa akin. "
Nanlaki ang aking mata sa sinabi nito. Ako pa ang careless!Hindi ba at siya!Siya nga ang nakadanggil siya pa ang parang galit.Abay ibang klase din ang isang 'to. Bumangon ang inis na aking dibdib.
"Ako pa talaga ang may kasalanan?Hindi ba at ikaw ang nakabunggo sa akin!"
Nagtitimpi kong sabi dito. Bakit may mga taong kahit sila na nga ang may kasalanan sila pa ang may gana kung galit!Sila pa ang malakas manisi.
"Miss, I don't have time for this. Mahalaga ang bawat uras ko,keysa sa mga natapon na mga papel na yan!I don't f*cking care kung anu pa man yan!"
Mariin at tila galit pa na pagkakasabi nito at nagmamadali na tinalikuran ako. Abay gwapo nga!saksakan naman sa sama ng ugali!
"Mayabang na nga, arogante pa!"
Dala ng galit ay sigaw ko dito.Napahinto ito sa ginagawa na paglalakad.Ngunit hindi ito nag aksaya na lingunin pa ako.Habang ang mangilan-ngilan na mga tao na dumadaan ng mga sandaling iyon ay napatingin na din sa amin. Muli ay lumakad ito na para bang walang anumang kumusyon na nangyari. Pambihira!kapag minamalas-malas nga naman ako.Kung kailan ako nagmamadali saka ko pa nakasabay ang hambog at arogante na yun!na akala mo e,pagmamay-ari ang building na ito.Tssk!