Linggo wala akong pasok sa opisina.Kahit paano ay nakaiwas ako sa ginawa ko kahapon kay sir. Tinulungan ko si tyang Carmen sa pag lalaba. Medyo marami-rami din ang labahan na iyon. Katatapos lang namin sa gawain at nag papahinga sa sala .Habang nag papahinga ay nanunuod kami ng t,v kasama ng kapatid ko at mga pinsan. Sobrang init ng panahon sa labas nang bahay kitang kita ko ang nag sisingkaran sikat ng araw. Dahil na rin sa pagod,hindi ko namalayan naka idlip na pala ako sa panunuod. Nagising ako sa mga yugyog ni Bon-bon sa akin. "Ate,gising," "Hmmmm?" Mahinang wika ko rito na nanatiling nakapikit ang mga mata. "Ate,yung cellphone mo, kanina pa ring nang ring eh!" Bigla akong napamulat ng mata Saka hagyang kinusot kusot iyon sabay tayo sa sofa.Kinuha ko ang aking cellp

