Sabado walang pasok sa opisina kaya naman ako na ang nag presenta kay tiya Carmen na mamalengke. Na miss kong gawin ang pamamalingke. Nitong mga nakaraang araw kasi naging busy ako sa trabaho ko. Nang nasa palengke na ako at namimili ng mahagip ng mata ko ang gulay na ampalaya. Wala sa oras na napangiti ako. "Hmmm...ampalaya sabi nila bitter ka. Ngunit para sa akin naging matamis ka. "Miss bili na po.Sariwa pa po mga ito." Naipilig ko ang aking ulo saka napatingin sa aleng nag aalok. "Hmmm...sige po ate pabili po ako." Nakangiti kong wika dito. Nang mabili ko na lahat-lahat ng kailangan sa bahay ay agad din akong umuwi. Medyo tanghali na din ng makarating ako ng bahay.Mabigat ang dala kong basket kaya naman sa may kusina na ako dumaan. Wala tao sa kusina. Kaya naman matapos ko

