"Nakaalis na ba si Nick?" Napalingon ako sa may pintuan ng kusina . Ang aking tya Carmen na nakangiti sa akin habang nagluluto. "Opo tyang." Sagot ko dito. Napansin ko na kakaiba ang ngiti ni tiya Carmen sa akin. Binalewala ko na lang ang ngiting iyon. "Noona, nasa tamang edad kana. Panahon na siguro para sariling kaligayahan mo naman ang asikasuhin mo." Wika pa nito habang patuloy sa pag hahalo ng nilulutong adobong manok para sa pananghalian namin. "Po tyang?" Ulit at pagtataka kong tanong dito. Sabay lapit sa dining table para maghain na din. "Kako,nasa tamang edad kana, wala akong ibang hinihiling kundi ang makahanap ka ng tamang lalaking mag aalaga sayo.Buhat kasi ng mamatay ang kuya, at iniwan kayo ng madrasta mo ikaw na ang tumayong ama't ina diyan kay Bon.Panahon na

