Mga malalakas na pag katok ang gumising sa akin. Sabado kaya tanghali na ako gumising. Dali-dali kong tinungo ang pintuan ng aking kwarto. Panigurado akong si Bon na naman ito.Dahil sa lakas ng pag katok. "Oh ano na naman pong problema mo?'' bungad na tanong ko dito. Sabay hikab. Inaantok pa ako. Istorbo naman itong kapatid ko oh!Laging ganito ang ginagawa sa akin kapag wala akong pasok at tinatanghali ako ng gising. Kesyo daw baka kung ano na nangyari sa akin sa pag tulog. Baka daw binangungot na ako . Na kung minsan ay ikinatatawa ko na lang. "Oh heto, may pa deliver sayo.Balak yatang punuin nang manliligaw mo itong bahay natin ng mga bulaklak.'' saad nito na walang humpay sa pag nguya na naman. Saka ko lang napansin ang hawak- hawak nitong mga bulaklak. Napangiti ako ng makita iyon.

