Ilang minuto na akong nakatayo dito sa tabing kalsada. Ngunit wala pa din dumadaan na jeep dito.Bakit ngayon pa walang dumadaan. Napakamot ako sa aking ulo. Hay ilang minuto na lang, late na ako papuntang opisina. At mukhang uulan pa dahil sa madilim na paligid. Pag minamalas ka nga naman oh!Kung kailan nag mamadali saka walang dumadaan. Napatingin ako sa wrist watch ko. Seven thirty na.Lalo lang akong naging aburido ng makita ko ang oras. Napa upo ako sa waiting shed. Nangangawit na lang mga paa at binti ko sa pag tayo ngunit wala pa ring dumadaan. Akma kong kukunin ang aking cellphone na nasa bag ko. Para sana tawagan si Cindy at sabihan na mali- late ako ng biglang may tumigil na itim na Zenvo ST1 sa tapat ko. Mulagat akong tumingin dito. Wow!di ikaw na po ang mayaman!sa isip- isip k

