''Tyang,pasok na po ako."paalam ko kay Tya Carmen.Ilang araw ko na rin ang ginagawang pag pasok ng maaga sa opisina. Mas mabuti na iyong may advance akong oras papuntang office. "Napapadalas yata ang pag pasok mo ng maaga, Noona?"puna sa akin ni Tya Carmen. Habang papalabas ako ng bahay. "Mas mainam na po iyong may advance akong oras, tyang. Alam nyo naman po, traffic dito sa atin."saad ko dito. Saka nag mano dito. "Kung sa bagay, tama ka diyan. Ay sya, mag iingat sa pag pasok ng opisina ah." saad nito. tanging pag tango na lang ang naging pag sagot ko dito saka tuluyan ng lumabas ng bahay. Maaga pa nang makarating ako sa FRS. Agad na dumeritso ako ng aking table saka ibinaba ang dala kong bag. Matapos kong maibaba ang bag ay tinungo ko ang opisina ni Nick. Mas minabuti ko ang pa

