PART 1: EFFECT OF MAGNET EFFECT
Habang tayo'y nabubuhay ay patuloy na nagsu-survive sa mga pagsubok na dumadating.
Disaster, calamity, poverty, war, health problem, personal problems.
Habang tayo'y nabubuhay ay may pag asa. Habang tayo'y nabubuhay ay may pag mamahalan.
Pero kailan kaya malalaman ang katapusan nito?
Meron pa nga bang pag asa sa mundong ginagalawan natin?
Meron pa bang pagmamahalan sa ngayon?
Ako si Aila Farrel, 21 years old. Nakatira sa Attrahere, South Area. Nangyari ang lahat noong February 14, 2014.
Kakaiba ang pangyayari sa araw na 'yon. Hindi lang ako ang naapektuhan kundi binago nito ang buong lugar namin.
Ang Attrahere ay isang sikat na siyudad sa Pilipinas. Makikita ito sa bandang kanluran ng Manila. Dumadami ang mga taong nalipat sa Attrahere para tumira, makatikim ng iba't ibang uri ng mga kakaibang pagkain, at makita ang mga naggagandang tanawin. Dinadayo pa ito ng mga taong galing sa iba't ibang bansa dahil sabi nila ay ang siyudad namin ay kakaiba kaysa sa ibang napuntahan nila.
Nakakaattract. Napakatahimik ng aming lugar. Pero, sa isang iglap...
Bigla nalang itong nagulo.
-------------------------------------------
Ang lugar namin ay nasira, mga tao ay nagkawatak-watak, nawala na sa linya.
Hindi na ba ito maaayos?
"Ayos lang yan, makakaraos ka rin sa problema mo."
Lumapit sa mga taong positibo. Maging positibo.
"Aila, nandito lang ako para sa iyo!"
Makisama sa mga mabubuting tao.
"Pakasaya ka."
Kailangan nang magbago.
"Hoy! Traydor ka!"
Ilayo mo ang sarili mo.
Handa ka na ba?