Chapter 16

1043 Words
“Nako, nako, nako, Hazel. Nagpapadala ka na naman sa ampalayang amo mo,” sermon niya sa sarili habang nakaharap sa salamin. Kinakastigo niya ang sarili kung bakit hindi maalis-alis ang ngiti niya labi. “Pagkatapos, ano na naman ang mangyayari? Bigla na naman siyang magbabago tapos susungitan ka na naman. Then, hindi ka na naman papansinin?” Napanguso siya sa sariling iniisip. After everything he did to her, she still liked him. “Bakit ba? E gusto ko siya. At walang makapipigil sa akin.” Muli niyang tinitigan ang sarili niya. Baliw na nga yata siya. Kanina lang ay takot na takot siya sa kulog at kidlat. Ngayon ay parang walang nangyari at nakalimutan na niya ang lahat ng iyon. Para siyang timang na ngingiti-ngiti sa harap ng salamin. Hindi man lang niya naibaba ang bag niya pagdating at sa salamin kaagad siya dumiretso. Isang ngiti pa sa sarili at nagtungo na siya sa kuwarto niya at kumuha ng towel saka dumiretso sa banyo. Hindi naman mawala sa isip ni Greg ang tagpo kanina. Kung paanong awang-awa siya sa dalaga dahil sa panginginig nito sa takot. Sa halip na sa bar siya dumiretso ay umuwi siya ng bahay niya at naisip an niyang magpalipas ng oras sa pool. Paroon at parito siya sa magkabilang dulo ng pool para iklaro sa isipan niya ang nararamdaman niya. Awa ba o may iba pa? Nakalimang balik din siya bago naisipang umahon. Bakas naman sa mukha ng matandang kasambahay ang kasiyahan dahil nasa bahay ang kaniyang amo. Ano man ang dahilan ay nagpapasalamat siya roon dahil napauwi nito ang amo niya sa bahay at hindi ito lango sa alak. “Sir, handa na po ang hapunan.” “Salamat, Manang Maca.” Sumenyas lang siya Greg habang abala sa pagpupunas ng basang katawan. Na-miss din niya ang sarili na lumublob sa pool na iyon. Isa kasi iyon sa mga libangan niya noon tuwing wala siya sa opisina—ang magbabad sa pool. “Mukhang masarap ang iniluto mo, Manang,” puri ni Greg sa inihanda na pagkain ng matanda. Kahit dati naman na nitong niluluto iyon ay matagal-tagal na rin nang doon siya kumain. Madalas kasing alak ang laman ng tiyan niya. “Siyempre naman, Sir. Espesyal ang araw na ito dahil nandito ka sa bahay,” sabi ng matanda. Ngumiti naman si Greg na lalong ikinasaya ng matanda. Ngayon niya lamang muling nasilayan ang mga ngiti nito. “Mukhang maganda ang mood ni Sir,” muling sambit ng matanda. Hindi niya mapigilang pansinin iyon. Madalas na seryoso kasi ang mukha nito at malaki ang ipinayat niyon mula nang mamatay ang kapatid nitong si Lauro. “Hindi naman masyado, Manang Maca. Siya nga pala, na-miss kong magbakasyon sa probinsiya. Kayo ba?” tanong ni Greg na hindi naman kaagad nakaimik ang matanda. Alam niyang parte iyon ng kahapon ng binata na nagpalungkot sa buhay nito. “O-oo, Sir. Pero okay rin naman dito sa Maynila. Tahimik din naman tayo rito,” Hindi niya ipinahalata na ayaw niyang bumalik doon dahil puno iyon ng alaala ng yumao nito asawa at baka maalala na naman nito ang nangyari. “Sabagay,” tanging sambit ni Greg. Maganang kinain niya ang luto ng matanda. At nang matapos ay dumiretso ito sa Lanai. “I’m letting you go, Steph… I don’t know if I can easily do that, but I will try,” bulong niya sa sarili. Naalala niya ang sinabi ni Winona sa kaniya. At isa na roon ay ang pagpapalaya sa yumaong asawa upang muling buksan ang puso. Hindi madali ngunit kailangan niyang subukan. Kailangan niyang tapusin ang kung ano mang pumipigil sa nararamdaman niya na kung ano man kay Hazel. Madilim pa sa labas ng bahay na tanaw niya sa may veranda ng kuwarto niya nang magising siya. Naunahan pa niya ang alarm niya. Hindi naman siya excited pero hindi niya malaman kung bakit mas maaga siyang nagising kaysa itinakda niyang oras. Nagtungo siya sa banyo at nagshower. Pakanta-kanta pa habang nagtatanggal ng mga buhok niya sa mukha. Ang kaniyang balbas at bigote. Bumakas ang kanto ng kaniyang mukha nang mawala ang mga buhok na iyon. Ganoon din ay nilagyan niya ng gel ang buhok niya. Ito naman ang usual na ginagawa niya. Ngunit sa pagkakataong ito ay ipinorma niya ang buhok niya sa harapan sa bandang gilid nito. Pagkatapos ay pinili niya ang leather strap na relo niya na bumagay sa asul niyang coat and tie. Isang sulyap pa sa salamin at pagkatapos ay kinuha na niya ang car key niya at bumaba upang mag-almusal. “Hot coffee, Sir. Para sa magandang umaga mo,” malapad na ngiti ang ibinato ni Manang Maca sa binata. Natutuwa siya na tila nagbalik na ang amo niya. Ang amo niya na matagal ding nabalot ng kalungkutan. “Thank you, Manang. Sumabay na ho kayo sa akin mag-almusal,” alok niya sa matanda. “Sorry, Sir. Nauna na ako kanina. Gutom na kasi ako,” sabi nito. “I see. Anyway, thanks again for this,” sabi na lamang ni Greg. Alam naman niyang maraming gawaing bahay kaya nararapat lang na mauna na si Manang kumain. Naghanda ito ng omelette at toasted bread. Sinamahan din nito ng strawberry jam na binili niya sa kaibigan na galing baguio. “Walang anuman, Sir. Uwi ho kayo ulit mamaya at ipagluluto ko kayo ng paborito mong sinigang na bangus,” excited na sabi pa ni Manang. Naninigurado nang uuwi ang amo niya mamaya at hindi magtutungo sa bar. “Oo naman, Manang. Pinasasabik mo akong umuwi. Baka hindi ako makapagtrabaho mamaya kaiisip sa sinigang na bangus. Huwag mong kalimutang lagyan ng siling green.” Natawa na lamang ang matanda. Naalala niya noong huling luto niya niyon ay hindi niya nalagyan ng siling green. Matapos mag-almusal ay bumiyahe na ito patungong opisina. Maingat itong nagmaneho na kumakanta-kanta pa habang nangingiti. Nang makarating sa opisina ay agad itong nagpark at nagtungo sa elevator. “Oy, si Mr. Laxamana ba iyon?” usisa ng isang empleyado na naraanan ni Greg sa lobby. “Ay oo nga, girl. Siya nga.” marami ang nanibago sa binata. Nakita na nila na ganito ito ngunit matagal-tagal din na hindi ito ganoon. Eksaktong pagpindot niya ng elevator ay dumating si Hazel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD