Chapter 15

2264 Words
“I told you, Greg. Tell her your feelings. Why did you push her away?” hindi makapaniwala si Winona sa sinabi ni Greg. Kung bakit ganito ang ginawa nito kay Hazel. Alam niyang may nararamdaman ito sa empleyado nito ngunit pilit nitong itinatanggi. “Mas masasaktan ko siya kung maiisip ko pa rin si Steph,” sagot naman niya sa best friend niya. Hindi niya nais pang palalimin ang nararamdaman niya dahil masasaktan niya lang si Hazel nang sobra. “And what do you think you’re doing? Hindi ba’t sinasaktan mo na rin siya sa ginagawa mo? Come on, Greg. You wife is long gone. If you don’t forgive her, her mistake will just haunt you.” Hindi alam ni Greg kung paano niya mapapatawag ang babaeng pinagkatiwalaan niya nang lubos. Ang buong akala niya ay kaya niya pero hindi pala. Sinubukan niya pero hanggang ngayon ay napupuot pa rin siya sa kaniyang yumaong asawa. Kung puwede lang niyang kalimutan ang lahat ng nalaman niya ay gagawin niya. Pero ultimo kapatid niya ay hindi niya kayang patawarin. “It’s better than hurting her slowly. At least she knows where to stand,” paliwanag niya. “E ikaw ba? Hindi ka ba nahihirapan?” Hindi umimik si Greg. Tahimik na nagmasid sa mga naglalakad na tao sa labas ng resto. Sa mga sasakyang rumaragasa sa daan. “Ano nga ba ang nararamdaman ko?” bulong niya sa sarili. “Why don’t you open your heart again? I know it isn’t easy. But you have to move on. Kailangan mo ring maging masaya. But how can you be happy if you’re limiting yourself to love again?” May punto si Winona. Ngunit sana ay ganoon lang kadali maka-move on. Iyon bang tipong ibinuhos mo ang sarili mo sa taong dahan-dahan ka na palang pinagtataksilan. Naubos na yata ang tiwala niya. Itinabi niya ang pagkain niya na tila wala pang nababawas kahit kaunti. Naaawang muli siyang sinulyapan ni Winona. Tandang-tanda niya noong una niyang nakilala si Greg. Bagsak ang balikat nito na araw-araw ay pinagmamasdan niya. At hindi siya nakatiis na kausapin ito. Marami ang nag-aakala na may relasyon sila nang maging close sila ng binata. Pero sadyang kapag kaibigan lang ang tingin mo ay talagang wala kang romantic feelings na mararamdaman para dito. “Fine. Take your time. But I hope, while you’re healing, she’s still free from any relationships,” sabi ni Winona sa binata. Hindi naman umimik ang binata. Nang makabalik siya sa opisina matapos ang lunch break ay naroon na ang mga empleyado. Dumiretso lamang siya sa kaniyang opisina na walang lingon-likod. Ayaw niyang makita ang kahit na anong mayroon sa puwesto nina Hazel at Ethaniel. Nang makapasok siya sa loob ng opisina ay lumiwanag ang mukha niya sa nakita. Mau lunch box sa desk niya. Sinilip niya ang bakanteng desk ni Hazel. Naalala niya ang gawa nitong breaksfast sa kaniya last time. Dahan-dahan niyang sinilip ang pagkain. Bento meal pala galing sa resto ni Winona. Mayamaya ay nagring ang phone niya. “Win,” sambit niya sa tumawag sa kabilang linya. “Hindi mo nagalaw ang food mo kanina kaya nagpa-deliver ako ng food mo. Be sure to eat it, or else I will have Hazel check on you,” paalala ni Winona na may kasama pang warning. Naiiling na lang si Greg na sumagot dito. “Yeah, I send you a photo of the empty bento.” Agad namang nagwarning muli si Winona. “I will know if you throw your food.” Bahagyang napangiti si Greg. Talagang alam na alam ng best friend niya na hindi niya iyon kakainin. Itinabi niya ito sa gilid ng table at sinimulan ang trabaho. Katulad nitong mga nakaraan araw ay hindi siya makapagpokus sa trabaho. Nahuhuli na lamang niya ang sarili na nakasilip sa may pintuan. Pagkatapos ay mauupong muli. Sasandal at pipikit pagkatapos ay hihingang malalim. Muling babalik sa trabaho at saka pa lang magagawa ang dapat nitong gawin. “Hazel, kuha ka naman ng coffee.” Tinaasan ng dalaga ng kilay ang binatang nag-utos sa kaniya. “Aba, sinusuwerte ka. May utusan? At isa pa e kakakain lang natin tapos hindi ka pa nabusog?” angil niya sa binata. “Bakit sino ba nagsabi na para sa akin ang kape?” Tumaas ang gilid ng bibig ni Hazel at umismid. “E, para kanino pala?” Dumukwang ang binata sa may computer ni Hazel saka nagsalita. “Kanina ka pa walang gana at hikab nang hikab. Mukhang kailangan mo ng kape para magising-gising ka naman at ganahan ka sa trabaho mo. O, heto pa,” sermon ni Tantan sabay patong ng isang dangkal na papel sa ibabaw ng table niya. “Alam mo ang aksaya niyo sa papel. Hindi na e paper less na tayo?” angil niya kay Tantan. “Utos ng boss mo iyan. Ang utos ng hari, hindi mababali,” sambit ng binata sabay nguso sa opisina ng boss nila. Napasulyap naman si Hazel sa opisina nito at eksaktong palabas si Greg doon. Mabilis na iniiwas niya ang tingin niya rito at pigil hininga habang paparaan ito. Nang lumampas ito ay saka lamang siya nakahinga nang maluwag. “Magpapakamatay ka ba?” Napatanga siya sa tanong ni Tantan. “Huh?” Tanging reaksiyon niya. “Anong huh? E ilang segundo kang hindi huminga. Mamaya e baka bumulagta ka na lang diyan,” saad ng binata. Napanguso na lang si Hazel at saka tumayo. “O saan ka pupunta?” Mabilis na tanong ni Tantan. “Sabi mo kumuha ako ng kape, ‘di ba?” Tatango-tango naman si Tantan. “Oo nga. Sige kuha mo na rin ako ha,” ngingisi-ngisi pang sabi nito. “Tseh! Papakuha ka lang talaga e, dinamay mo pa ako.” Napalingon na lang ang mga katrabaho nila sa paligid sa lakas ng tawa ng binata. Agad naman tumungo si Hazel sa pantry para kumuha ng kape. “Hmm, latte o mocha? Black coffee kaya?” Nasa kalagitnaan siya ng pag-iisip nang may makabangga siya na kalalabas lang ng banyo. “I’m sorry,” saad niya rito ngunit nang lingunin niya ay si Greg pala. “It’s okay,” tipid na sabi nito. Patungo rin ito sa pantry para kumuha ng kape. Tahimik siyang naglakad nang dahan-dahan at ganoon din naman si Greg. Nais sana niyang magmadali upang iwasan ito ngunit pareho lang din naman ang pupuntahan nila dahil sa dulong lugar na iyon ay ang pantry nila. “Mauna na po kayo, Sir,” magalang niyang sabi. Hindi naman ito tumanggi bagkus ay nauna ito sa vendo. Dalawa ang vendo roon ngunit sira ang isa, magdadalawang araw na. “I’m sorry,” sambit ni Greg sa babae sa kaniyang likuran. “Po?” Sigurado si Hazel sa narinig niya ngunit nagmaang-maangan siya na hindi niya iyon narinig. “I’m sorry about last time,” sabi nito. Pakiramdam niya ay lalabas ang puso niya sa lakas ng kabog niyon nang humarap ito sa kaniya. “Sir?” Narinig at naintindihan niya ngunit hindi siya handa sa komprontasyon nito. Ngunit sa halip na ulitin nito ay hindi na nito inulit nang may pumasok sa loob ng pantry. Oras na rin kasi ng meryenda kaya naman nagsipuntahan na ang mga tao roon. “O ang tagal mo namang kumuha ng kape?” Eksaktong wala na si Greg nang dumating si Tantan. Hindi naman kaagad nakaimik si Hazel. Iniisip niya ang nangyari kanina kung totoo na o nananaginip siya nang gising. “Oy, tulala ka na naman. Mamaya e mahanginan ka niyan sige ka. Baka matuluyan ka,” pang-aalaska na naman ni Tantan. “Grabe ka naman. O kape mo,” pagkaabot nito ay naupo siya sa gilid na upuan sa may bintana. Tanaw niya ang mga sasakyan sa labas ng building. “Madalas ka kasing tulala. Baka mahanginan ka e mawalan pa ako ng kaibigang makukulit.” Nagtaas-baba na naman ang kilay nito habang nang-aasar sa dalaga. Inirapan lang naman ito at hindi maalis sa isip ang nangyari kanina. “Sabay tayo ulit mamaya ha?” Alok ni Tantan sa dalaga. Wala naman sa loob na tumango ito. At kahit naman hindi siya sumang-ayon ay isasabay pa rin siya nito. Nang matapos nilang magkape ay bumalik na sila sa puwesto nila. Kahit papaano ay nabawasan ang lungkot ni Hazel lalo pa at nakausap siya ni Greg. Hindi nga lang usap na may pinag-usapan talaga ngunit sapat na iyon sa kaniya. Ang malaman lang na okay na siya rito ay masaya na siya roon. “Hello?” Isang numerong hindi kilala ang tumawag kay Tantan. “Si Jo Ash? Saan?” Agad na may isinulat ito sa papel pagkatapos ay ibinaba ang telepono. “Hazel, mauna ka na lang mamaya. May kailangan lang akong daanan,” sabi ni Tantan. “A, sige. Okay lang,” sagot niya rito. Ayos din naman sa kaniya para naman mapag-isa siya. Nang matapos ang trabaho ay nagpaalam na si Tantan sa kaniya at umalis din kaagad upang puntahan si Jo Ash. Naiwan naman si Hazel sa opisina. Saglit na inayos ang mga gamit pagkatapos ay bumaba na rin. “Ano ba iyan naulan?” Kung kailan pa naman iniwan niya ang payong niya ay saka pa umulan. Pakiramdam nga niya ay bagyo na ito sa lakas. Wala namang balita na may bagyo. Naupo siya sa lobby at naghintay na tumila ang ulan. Napatakip na lamang siya sa tainga nang kumulog. Bata pa lang siya ay takot na siya sa ulan. Hindi naman talaga sa ulan kung hindi ay sa kulog. Kung maari lang na umulan ng walang kulog ay magiging okay naman siya. Ilang minuto rin ang lumipas bago humina ang ulan. Napagdesisyunan na niyang umuwi bago pa muling lumakas ito. Eksaktong nasa labas na siya nang biglang kumulog. Napatili siya saka nagtakip ng tainga. Kung hindi siya tinakot noon sa kulog ay hindi naman siya matatakot. Ngunit hindi niya akalain na dadalhin niya ang takot hanggang paglaki. “Sabay ka na sa’kin. Ihahatid na kita,” agad siyang napalingon sa lalaking nagtalukbong ng coat nito sa ulo niya. Inalalayan siya nitong makasakay sa kotse. Katulad ng kung paano ito naging gentleman sa kaniya ay ganoon pa rin ito ngayon. “Thank you, Sir,” sambit niya rito habang nakatingin sa binata. Hindi naman ito umimik at tahimik lang na nagmaneho. Tinahak nila ang daan patungo sa bahay niya. Ngunit sa kalagitnaan ng biyahe ay lumakas ang ulan muli kasunod ng nakayayanig na dagundong ng langit. Sumilaw rin ang liwanag sa langit na nakapagpatili muli kay Hazel. Nakita siya ni Greg na huling lumabas ng opisina kaya naman naisipan nitong umuwi na rin. Nang nasa elevator na siya ay nagbukas ito sa lobby kaya nakita niya si Hazel. Nagtungo siya sa parking upang kunin ang kotse at eksaktong nakita niya ang babaeng nanginginig sa lamig. Na-witness niya rin ang pagtili nito at pagyapos sa sarili dahil sa malakas na kulog at lamig na dala ng ulan. Kaya naman itinabi niya ang sasakyan at hinubad ang coat para italukbong sa dalaga. Pakiramdam naman ni Hazel ay napanatag siya. “Takot ka pala sa kulog at kidlat?” basag ni Greg sa katahimikan. Tumango naman si Hazel. “Sorry pala noong nakaraan sa bar. I didn’t mean to offend you,” dagdag pang sambit ni Greg. Hindi niya tinitingnan ang dalaga at pokus lang siya sa pagmamaneho habang tahimik lang naman si Hazel na nakatingin sa binata. “Sorry kung na-offend man kita,” sambit muli ni Greg. Sa pagkakataong iyon ay nasa kanto na sila ng lugar ni Hazel kaya naman huminto ang sasakyan. Hindi na nakaiwas ang dalaga nang maabutan ng binata ang mga mata niyang nakatunghay rito. Ilang segundo rin na nakatingin siya rito. Ramdam niya ang bilis ng pintig ng puso niya habang papalapit ito sa kaniya. Ilang pulgada na lamang ang pagitan ng mga mukha nila. Mariing napapikit si Hazel habang nilalanghap ang mabangong hininga ng binata na pakiramdam niya ay nagtoothbrush pa ito bago umuwi. Marahang kumilos ang kamay nito sa tagiliran niya. Kasabay niyon ay ang pag-click ng seatbelt. “Salamat at hindi ka tumanggi na sumabay sa akin.” Napamulat ng mga mata si Hazel nang hindi na niya naaamoy ang hininga nito at nang magsalita ito. Gusto niyang lamunin na lamang siya ng front seat dahil sa pagpikit niya. Pakiramdam niya ay sasabog siya sa init na dumadaloy sa buong katawan niya. “Ang tanga-tanga, Hazel? Isinabay ka lang sa kotse e feeling mo hahalikan ka na? Ano iyon? Overnight e nagkagusto siya sa’yo?” Pigil ang sarili na gusto niyang tumili sa inis. “Salamat sa paghatid, Mr. Laxamana,” sambit niya na hindi humaharap sa amo niya. Matapos niyang imaginin na hahalikan siya nito ay hindi niya magawang tingnan ito sa mga mata nito. “You can go back to your desk tomorrow,” sabi niya sabay tango nang tingnan siya ni Hazel. Hindi na niya hinintay pang magsalita ito kaya tumango na siya bilang pagsang-ayon sa kung ano mang katanungan nito. “Would you like to come in, Sir?” nahihiya man sa inakto niya kanina na tanong niya sa amo niya. “No, thanks. Maybe some other time,” sambit ni Greg. “So may other time pa?” Umaliwalas ang mukha niya sa narinig. Bumalik na ba ang boss niya sa sarili nito at pinapansin na siya nito ulit? “O-okay, Sir. Ingat,” sambit niya nang magpaalam na ito. Inihatid niya ng mga mata niya ang sasakyan ng binata at saka nakangiting naglakad patungo sa apartment niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD