Chapter 14

1030 Words
Paulit-ulit na bumabalik sa isipan ni Hazel ang mga sinabi ni Greg. Malinaw na ayaw sa kaniya ng lalaki. Walang gusto ito sa kaniya. Marahil ay talagang amo at empleyado lang ang magiging relasyon nila. Ang taas naman kasi ng pangarap niya. Ang mapa-ibig ang lalaking kasing pait ng ampalaya. Makailang ulit niyang sinulyapan ang kaniyang upuan at desk. Kahit naman sa wala na siya roon ay malapit pa rin siya sa puwesto niya bilang sekretarya dahil kalapit lang niyon ang puwesto ni Tantan. Hindi nga lang niya masisilip ang boss niya dahil hindi kita ang siwang ng pintuan niyo roon. “Bakit tulala ka na naman?” Isang matinis na tili ang kasunod niyon at tumalsik sa kalapit na basurahan ang palakang kakambal na yata ni Tantan. “Buset ka talaga!” Sunod-sunod na hampas ang iginawad ni Hazel sa binata. Halos masaktan ang palad niya dahil sa tigas ng braso nito ngunit hindi niya iyon ininda. Wala nang mas sasakit pa sa nararamdaman ng puso niya ngayon. Kung wala nga lang siyang trabaho ay baka hindi siya lumabas ng bahay. Ngunit kailangan pa rin niyang kumayod. Minsan naiisip niya kung paano pa kaya iyong labis na nasasaktan? Paano nila nakakayanan ang sakit? “Tulala ka na naman kasi e tambak ang trabaho natin. Gusto mo ng kape? Ikukuha kita,” sabi nito nang tumigil si Hazel sa paghampas. Hinayaan lang kasi niya ito. Iyon lang ang maitutulong niya para mailabas ang sakit na nararamdaman nito. “No, thanks.” Tinalikuran niya si Tantan at muling humarap sa monitor ng computer. Pipilitin niyang isubsob ang sarili sa trabaho at hindi muna magpaapekto sa sakit na nararamdaman. Tahimik at payapa ang loob ng opisina. Mataas na ang sikat ng araw sa labas. Hindi naman iyon nakaaapekto sa kanila dahil fully-airconditioned ang opisina. Mabilis na bumukas ang pinto ng opisina at lumabas ang isang matangkad na lalaki. Nakatutok agad ang mga mata nito sa dalagang kaniyang sinaktan. Ramdam din niya ang kirot habang tinitingnan ang dalagang abala sa pagtipa sa keyboard ng computer. Nang makalapit sa pinto ay ilang segundong nagtama ang mga paningin nila. Ngunit agad ma umiwas ang dalaga. Tila pinunit ang puso niya sa pagkakataong iyon. “What so you expect? Pagkatapos mo siyang itaboy ay isisiksik pa rin niya ang sarili niya sa’yo? You’re crazy, Greg!” singhal ng isip niya sa sarili. Ano nga ba ang inaakala niya? Katulad pa rin noon na kahit sermonan niya, o itaboy ang dalaga ay parang maamong tupa pa rin ito na susunod-sunod sa kaniya. Eksaktong paglabas ng opisina ni Greg ay saka naman muling lumingon si Hazel. Inihinto nito ang pagtitipa. Muling sumilip na naman ang mumunting luha sa mga mata niyang nag-iinit. Hindi niya alam kung hanggang kailan niya mararamdaman sng sakit. Kung kailan maghihilom ang nararamdaman niya. “May muta ka!”sita ni Tantan sa kaniya. Wala talaga siyang matinong naisip na gawin para i-divert ang isip ni Hazel. Ang tanging alam lang niya ay tinutulungan niya itong mabawasan ang nararamdaman. “Wala naman e. Ang epal mo talaga!” Nakangisi lang naman si Tantan na para bang nagtagumpay sa goal niya. Hindi nila napansin na bumalik pala si Greg. Naiwan nito ang cellphone sa opisina kaya naman kinailangan nitong kunin. Tila may tumusok sa puso niya nang makitang nagkukulitan ang dalawa. Halos ilang araw na rin ang nakalipas nang saktan niya ang damdamin nito. Mag-iisang linggo na nga yata. Kunwari ay wala siyang nakita na dumiretso sa opisina muli. Nang makapasok ay saglit na naupo. Sumandal sa upuan habang nakapikit. Inaanalisa ang mga bagay-bagay. Bakit kasi hindi niya bigyan ang sarili niya ng chance? Hindi. Hindi siya ang may kasalanan. Si Steph. Ang dati niyang asawa. Kung hindi siya nito niloko ay hindi mangyayari ang ganito. Sana ay maayos pa ang tingin niya sa mga babae. Sana ay hindi siya umiiwas sa nararamdaman niya. “Ano nga ba ang nararamdaman mo?” Mariing ipinikit niya ang mga matang muli habang inaalala ang mga pagkakataon pakiramdam niya ay nahuhulog na siya kay Hazel. Mga panahong gusto-gusto na niyang aminin ang ang nararamdaman niya. “Hindi,” bulong niya sa sarili. “Sasaktan mo lang siya… Oo, masasaktan lang siya sa’yo,” muling bulong niya. Isang marahas na pagtayo ang ginawa niya at muling lumabas ng opisina. Paglabas niya ng pinto ay wala na roon ang mga empleyado niya. Napatingin siya sa relong nasa kamay. Lunch time na. Dumiretso siya sa resto ni Winona. Doon niya nararamdaman ang mapayapang oras. Doon siya nakapag-iisip-isip. Nang makababa sa elevator ay naabutan pa niya sina Tantan, Hazel at iba pang mga empleyado. Bagong sahod kasi ngayon. Marahil ay kakain sila nang sabay-sabay. Lingid sa kaalaman niya na nakita siya ni Hazel. To the rescue rin naman kaagad si Tantan sa pag-agaw ng atensiyon ni Hazel mula sa binata. “Masarap ang steak nila, gusto mo rin?” “Sige,” tipid na sagot ni Hazel. Napag-usapan kasi nilang lahat na magtungo sa resto na bagong bukas malapit sa opisina nila. Nagse-serve ng steak ang resto na iyon at feel nila na kumain ng masarap ngayon suweldo. Madalas silang magkasama-sama sa araw na iyon. Nang makarating sa resto ay agad na sinalubong ni Winona ang binata. Nagpareserve kasi ito ng puwesto sa dulo kung saan ay tahimik at couch ang upuan na pang couple lang. Doon siya madalas maupo kapag wala siyang kasama o ka-business meeting. “Greg,” sambit ni Winona at saka agad na humalik sa pisngi ng kaibigan. Matalik na kaibigan ni Greg si Winona. Alam nito ang buong kuwento sa yumaong asawa at sa kapatid nito. Iyon lang ang napagsasabihan niya ng lahat. Alam din nito ang kuwento tungkol kay Hazel. Natuwa nga ito nang makilala si Hazel. Ngunit heto na naman ang kaibigan niya. Lihim na dinadala ang lahat ng sakit. “Dating order?” tanong nito. “Yeah,” sagot naman ni Greg. Ito na ang nag-asikaso sa kaniya nang personal. “Let me join you,” tumango lang si Greg dito at nagtungo na sa naka-reserve na seat niya. Tumungo naman si Winona sa kitchen para ipaliwanag ang dapat gawin sa order ni Greg.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD