Chapter 17

2061 Words
Naningkit ang mga mata ni Hazel sa mga babae sa reception. Alam niyang si Greg ang pinag-uusapan ng mga ito. Malayo pa lang siya kanina ay natanaw na niya ang binata. Ayaw niya lang itong sabayan dahil pakiramdam niya ay manlalambot ang mga tuhod niya rito. “Oy, mga ‘te! Ingat-ingat kayo sa pinag-uusapan niyo. Akin ‘yan. Akin lang siya!” sigaw ng isip ni Hazel habang pinaniningkitan ang mga ito. Agad naman nanahimik ang mga babae nang makita siya. Kilala siyang sekretarya ng boss nila kaya naman itinikom nila ang mga bibig nila bago pa sila mawalan ng trabaho. “At ikaw naman, Ampalaya ko, bakit naman nag-abala ka pang magpa-guwapo? Napansin ka tuloy nila. Kahit naman hindi ka mag-ayos e guwapo ka na sa paningin ko.” sambit ni Hazel sa sarili. Muntik pa siyang masamid ng sariling laway nang lingunin siya ni Greg. “G-good morning, Sir!” Alanganing ngiti ang ibinato niya rito. Ang iniwasan niyang makasabay ay lalo pa niyang hindi naiwasan. “Go,” sambit ni Greg nang magbukas ang elevator kasabay ng pagbati ng dalaga sa kaniya. “Good morning,” seryoso ngunit maaliwalas ang mukha nitong bati kay Hazel. Tumango naman at muling alanganin ngumiti rito. Buong akala niya ay hindi nito narinig ang greetings niya ngunit hinintay lang nito na makapasok sa elevator bago bumati. “Bakit naman bumati ka pa? Nagpapapansin ka rin sa’kin, e ‘no?” mahinang usal niya habang nakatingin sa bandang likuran nito. Napansin niya rin ang kakaibang awra nito. “Okay na ba kami ulit?” Muntik na naman siyang masamid nang biglang lumingon ito sa kaniya. Pakiramdam niya ay narinig siya nito. Tila ba napakalakas ng radar nito at alam na iniisip niya ito. “I’ll send you home, tonight,” napaawang ang labi niya. Hindi niya alam kung guni-guni lang ba niya iyon o talagang narinig niyang niyaya siya nitong ihatid sa bahay. Puwede rin naman dahil wala siyang kasabay. Wala si Tantan sa apartment nito at hindi niya alam kung nasaan ito. Wala rin naman siyang ideya kung papasok ba ito o hindi. “Sure, Sir,” sagot na lamang niya. Ayaw niyang isipin nito na sinusupladahan siya ng isang empleyada. “I’m sorry? What’s sure?” Napakagat siya ng ibabang labi nang mapagtantong guni-guni nga lang niya. Mabilis siyang nag-isip ng idadahilan. Eksakto naman nagbukas ang pinto ng elevator. “A, may nakapasok kasing langaw, Sir,” pagsisinungaling niya rito sabay shoo sa kunwari ay langaw. “Shoo! Shoo! Bakit ba kasi may nakapasok na langaw rito,” naiiling-iling pang sabi ng dalaga na kunwari ay nadismaya pero ang totoo ay nais na niyang lamunin na lang siya ng elevator dahil sa kahihiyan. Luminga-linga naman si Greg para tingnan ang sinasabi niyang langaw ngunit wala naman siyang nakita nang muling magsara ang elevator. Kasabay kasi niyon ang kabilang elevator kaya naman sa kabila nagsisakay ang ibang empleyadong naghihintay. “Totoo ba ‘to? Ngumiti siya?” Kitang-kita niya sa gilid ng kaniyang mga mata na ngumiti si Greg. Pasimple lang pero nakita niya. “Is there any problem? Any dirt on my face?” tanong ni Greg sa dalaga na nagpataranta naman dito. “M-may something ka sa cheeks mo, Sir.” Bahagya niyang kinuha ang kung anong bagay sa pisngi ng binata. Sinilip naman ni Greg ngunit tila wala naman itong inalis sa mukha niya. “So what’s in there?” Curious siya sa kung anong kinuha nito kaya naman hindi niya inalis ang tingin niya sa dalaga. Agad namang iniangat ni Hazel ang dalawang daliri niya na inaabangan naman ni Greg. At umakto ito ng kuwnari ay heart. Nasobrahan na yata si Hazel kanonood ng kdrama. “Tada!” Nakangiti pa siya habang ipinapakita ang pinagdikit na daliri para magmukhang puso. Natawa naman si Greg na nagpalabas sa mapuputi at pantay-pantay nitong mga ngipin saka nagsalita. “Puro ka kalokohan. Meet me at my office,” sabi ni Greg at eksakto namang bumukas ang elevator sa floor ng opisina nila. Tumango naman siya kaagad at pumasok na rin sa loob ng opisina at nagtungo sa desk niya. “Mukhang good mood ka, ampalaya ko. Hindi na ba kita kailangang iburo sa asukal?” Lihim na napahagikhik si Hazel. Inilapag niya ang kaniyang bag at kinuha ang schedule ni Greg. Official na secretary na naman siya nito. At hiling niya na sana ay hindi na ito ulit topakin na bigla na lang siyang ililipat ng team. Napalingon siya sa desk ni Tantan. Tulad ng naisip niya ay wala ito roon. “Ano kayang nangyari sa kaniya?” Isang sulyap pa sa desk nito at lumakad na siya papunta sa pinto ng opisina ni Greg para i-remind ito ng schedule ng mga meeting nito. At ganoon din ay para alamin kung bakit siya nito imi-meet sa opisina nito. “Come in,” sabi ni Greg nang marinig niya ang katok ng dalaga sa pinto. Kanina pa niya ito hinihintay. Ngunit dahil nag-ayos pa ito ng gamit ay ngayon lang ito nakarating. “Your sche—,” sambit ni Hazel na hindi na naituloy dahil pinutol na ng binata ang sasabihin niya. “I already know all of those,” tukoy nito sa schedules niya. “Have a seat,” sabi ni Greg sabay turo sa couch na nasa likuran ni Hazel. Tumango naman ang dalaga at nagtungo sa couch na sinundan naman ni Greg. Nang makaupo na siya ay naupo na rin ang binata sa tapat ng couch sa may harapan niya. Hindi niya alam kung ano ang kailangan ng boss niya pero kinakabahan siya. “I’d like to, well… I’d like to apologize,” panimulang sabi ni Greg na pinagtakhan naman ni Hazel. Para saan ang apology. “I know, I didn’t—,” sabi ni Greg na bago pa man makapagpatuloy sa sasabihin ay nagring na ang phone nito. It’s an important call that he can’t ignore and so he answered it. Maghihintay pa sana si Hazel ngunit mukhang hahaba ang tawag nito. Tinakpan nito ang mouthpiece at saka pabulong na nagsalita ito, “I’ll talk to you later.” Wala naman siyang nagawa kung hindi ay sumunod dito. Lumabas siya ng opisina at nagtungo sa desk niya. Nagsimula na lamang siyang magtrabaho habang naghihintay sa kaniyang amo. Ngunit matapos ang tawag nito ay nakita niyang may tinawagan ito. “Saka na nga lang,” bulong niya. Gusto niyang marinig ang dahilan ng paghingi nito ng apology. Ngunit katulad ng nakikita niya ngayon ay busy ito sa telepono nito. “Sige na nga. Mamaya na. Trabaho muna tayo. I mean walang tayo. Trabaho muna ako,” sambit niya na napapahagikhik din sa sariling joke. Mayroon silang bagong project sa Cebu at dahil doon ay abala ang boss niya sa pagkausap sa mga tao. Siya rin naman ang nag-arrange ng schedule na iyon. Naalala niya na dahil sa nangyari sa bar ay sinigurado niyang puno ang schedule nito ngayong araw hanggang isang linggo bilang ganti rito. “Sorry, ampalaya ko. Magtrabaho kang mabuti para sa future natin,” natatawang sabi nito. Halos lumampas na ang lunch break ay naroon pa rin ang binata sa opisina nito dahil sa ka-meeting nito sa telepono na napahaba na ang diskusyunan. Nang silipin niya ito ay bakas sa mukha nito ang pagod. Kaya naman nagpadeliver siya ng pagkain nito. Pagkatapos ay iniwan niya iyon sa desk nito nang nasa meeting na ito. Hindi sila nakapag-usap ni Greg hanggang sa matapos ang oras ng trabaho ay nasa telepono na ulit ito. Kumatok siya rito para magpaalam ngunit dahil nasa phone pa ito ay sumenyas na lamang siya na uuwi na siya. “I’m sorry. What was that again?” pag-uulit ni Greg dahil bahagya niyang na-missed ang sinabi ng kausap sa kabilang linya dahil sa pagpapaalam ni Hazel. Sumenyas din naman siya at tumango tanda ng pag-acknowledge niya na uuwi na si Hazel. Kalahating oras nang makauwi na si Hazel bago natapos ang kausap ni Greg. Huminga siya nang malalim saka naupo at sumandal. Saglit na pumikit siya ng mga mata. Makailang segundo ay nagmulat na siyang muli at saka sinilip ang oras sa wrist watch niya. “Seven,” sambit niya. Saka lamang niya napansin ang sandwich sa brown paper pouch. May kasama pa itong fresh orange juice na hindi na rin ganoon ka-fresh dahil nalipasan na nang maghapon. “Don’t forget to eat before you go,” sambit ni Greg. Iyon ang nakasulat sa sticky note na nakadikit sa brown pouch. Napangiti siya nang bahagya at naiiling pa. Ang babaeng ilang beses na niyang itinaboy, siya pa rin ang inaalala. “Hmm, it’s good,” sambit niya nang kagatin niya ang sandwich. Pakiramdam niya ay gutom na gutom siya. Kakagat na sana siyang muli nang tumunog ang telepono niya. “Manang,” sabi niya sa kabilang linya. “Nag-aalala ako, Sir. Wala ka pa kasi. Baka ‘kako nasa bar ka kaya wala ka pa. Nagbaka-sakali lang ako na nasa opisina ka pa,” sabi ng nag-aalalang matanda. Nakalimutan niya na nangako nga pala siya na uuwi nang maaga para maghapunan. “Pasensiya ka na, Manang. Ginabi na ako. Busy masiyado sa trabaho. Mauna na ho kayo. Within an hour nasa bahay na ako.” Nakalimot siya sa dami ng trabaho niya. Inubos lang niya ang sandwich niya at ang juice bago tuluyang nilisan ang opisina. Paglabas niya ng opisina ay napalingon pa siya sa desk ng dalaga. Nakita niya ang sticky note nito. Sumaglit siya sa desk nito saka nagsulat ng note at idinikit sa desk nito. Napangiti pa ito pagkatapos ay tuluyan nang umalis ng opisina. “Kinain niya kaya ang sandwich?” Kanina pa nanonood si Hazel ng kdrama pero wala naman doon ang atensiyon niya kung hindi ay sa boss niya. May number siya nito pero sino ba siya para tawagan o i-text ito na para bang close sila. Ang huling text lang niya rito noon ay nang lumiban siya sa trabaho dahil sa period niya. “Ang tanga mo kasi, Hazel. Sukat ba namang punuin mo ang schedule niya,” sermon niya sa sarili. Siya rin naman tuloy ang hindi mapakali dahil sa ginawa niya. Alam niyang hindi ito nananghalian at hindi niya rin alam kung nakapaghapunan na ba ito. “Hindi bale. Bawi tayo bukas, girl,” tatango-tangong sabi niya sa sarili. Pinatay niya ang TV at nagtungo sa kusina. Inilabas niya ang pinamili niyang pork at kalamansi mula sa ref. Inihanda niya rin ang toyo at paminta. Napagdesisyunan niyang ipagluto itong muli. Tiyak na hindi na ito tatanggi dahil wala itong choice sa dami ng naka-schedule na trabaho ng binata sa buong isang linggo. “Ipagluluto kita ng no grill pork bbq ala Hazel style,” sabi ng dalaga sa sarili. Naghiwa ito ng sibuyas at bawang na pino. Pagkatapos ay kaunting sili. Ima-marinate niya ito para bukas ay handa na itong lutuin. Maaga naman siyang gumigising kaya makapagluluto pa siya. “Aray!” Hiyaw niya nang matusok ang palad sa pagtutusok ng pork sa bbq stick. “Ang hirap naman magmahal,” natatawa na naiiling na sambit niya sa sarili. Hindi niya naman na-imagine sa sarili niya noon na magiging ganito siya hanggang nakilala niya ang boss niyang biyudo. Akala talaga niya ay hindi na niya masisilayan ang ngiti ng ampalayang boss niya. Matapos tuhugin ang mga karne at ibabad sa pinaghalo-halo niyang ingredients ay tinakpan na niya at ipinasok ito sa ref. Handa ang lahat at lulutuin na lang. Nangingiti siya sa naiisip. Gusto sana niyang makita ang reaksiyon nito sa pagkain ng bbq niya pero baka katulad kanina ay wala itong time kahit sumulyap man lang sa desk niya. Ipinagpatuloy na niya ang panonood ng kdrama. Ngunit dahil wala siyang naintindihan sa mga nangyari dahil sa pagtulala niya ay inulit niya ito sa umpisa. Sa pagtingin niya sa bida ay mukha ni Greg ang nakikita niya. Ilang minuto pa ay dinalaw na rin siya ng antok. Pinagbigyan niya ang sarili na lamunin siya ng antok at pumasok na siya ng silid niya. “Good morning, Neighbor!” Isang malakas na katok ang bumulabog sa patapos na niyang pagluluto. At pamilyar ang klase ng katok na iyon. “Si Tantan,” sambit ng dalaga. Excited niyang isinilid sa lunch bag ang pagkain ni Greg at saka pinagbuksan ang makulit niyang kapitbahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD