Chapter 18

1044 Words
“Himala, nabuhay ka,” bungad ng dalaga kay Tantan nang buksan niya ang pinto ng apartment unit niya. “Ano’ng akala mo naman sa’kin patay?” Umikot ang itim ng mga mata ni Hazel sa sinabi ng binata. Pilosopong tunay ang taong ito. Kung sabagay naman ay wala rin sa hulog ang bungad niya rito. Nakataas ang kilay ng binata na nakatingin sa lunch bag na hawak niya. Alam niyang may nangyari habang wala siya. Agad niyang kinuha ang bag sa dalaga, “Ang bango, a. Para sa akin ba ‘to?” “Asa ka naman. Akin na nga ‘yan,” sabi niya rito sabay hablot ng bag sa binata. “Sungit mo naman,” saad niya sa kausap. “Wala akong pabaon sa’yo kasi hindi ko naman alam na papasok ka. Bigla ka na lang walang paramdam na lalaki ka pagkatapos ngayon ay hahanapan mo ako ng baon,” sermon niya rito. Totoo namang walang paramdam ang isang ito. At bilang magkaibigan ay karapatan niyang magtampo sa hindi nito pagpaparamdam. “Na-miss mo naman ako kaagad. May inasikaso lang ako. Huwag kang mag-alala, ikaw pa rin ang paborito ko at number one sa akin,” tumataas-baba pa ang mga kilay na sabi nito sa dalaga. “Tse ka! Tara na nga at pumasok na tayo,” yaya niya kay Tantan. Agad naman itong sumunod sa kaniya. Muli ay umangkas siya sa motor nito at kumapit sa baywang ng binata habang ipinasok sa compartment o top box ng motor ang lunch bag. Tanaw mula sa opisina ng binata ang babeng bumaba ng motorsiklo. Habang dumiretso naman sa parking ng mga motor ang binata. Nauna na ang dalaga sa lobby at hinintay si Tantan. Ilang minuto rin naman ay dumating na ito mula pagpark ng motor at eksakto ang pagbukas ng elevator. “Timing ka talaga,” nangingiting sambit ni Hazel. “Siyempre naman. Ako pa ba? Lagi yatang timing ‘to,” pagmamayabang pa ni Tantan. Eksaktong pagbukas ng elevator sa floor nila ay ay naroon nakatayo si Greg. Agad naman ngumiti si Hazel at bumati rito, “Good morning, Mr. Laxamana!” “Good morning,” nakangiting bahagya na turan ni Greg. Sumeryoso ang mukha ni Tantan. Wala siyan ideya sa nangyayari ngunit alam niyang maayos na ang dalawa base sa pagbati ng mga ito sa isa’t isa. Agad namang pumasok sa elevator si Greg at tumuloy naman sina Tantan at Hazel sa opisina. “Mukhang good mood ang boss mo,” sabi ni Tantan kay Hazel. “Siyempre naman. Nakita siya ako, e.” Napatawa nang bahagya si Tantan saka umiling. “Ibang klase rin ang confidence level mo ro’n,” sabi pa nito sa dalaga na natatawa pa rin. “Well, hindi na ako si Hazel kapag wala akong confidence,” sabi pa ng dalaga pagkatapos ay nagtungo na ito sa desk nito. Naiiling pa rin si Tantan sa kaibigan. Alam niyang ganito lang ito pero malambot ang puso nito. Napalingon siya sa desk nito. Natutuwa siya na masaya ito. Apektado siya kapag malungkot ito lalo na kung dahil sa boss nila. Naalala niya tuloy ang araw na nagkaharap sila ni Mr. Laxamana bago ang insidente sa bar. “Can we talk, Mr. Laxamana?” tanong ni Ethaniel sa boss niya. At hindi kababakasan ng ano mang ekspresyon ang mukha ni Tantan. “Go ahead,” sabi ni Greg na hindi maisip kung bakit siya kakausapin nito. At hindi naman na nagpaliguy-ligoy pa si Tantan. Diretsahan na niyang sinabi ang pakay sa boss niya. Wala siyang pakialam kung tanggalin man siya nito sa trabaho. Ang mahalaga ay masabi niya ang gusto niyang sabihin. “Do you like Hazel?” Napatanga si Greg sa tanong nito ngunit saglit lang. Pagkatapos ay muling nagbalik sa sarili nito ngunit hindi ito umimik. Kaya naman muli siyang nagsalita. “Kung hindi mo masisigurado na hindi mo paiiyakin si Hazel, huwag mo nang abalahin ang sarili mong makipaglapit sa kaniya,” matalim na titig na sabi niya kay Greg. Makailang ulit na niyang nakikita na sobrang affected si Hazel sa binata kapag may babae itong kausap o kapag itinataboy nito ang dalaga. Ayaw niyang nasasaktan ito at lalong-lalo na ang makitang umiiyak si Hazel. Seryoso rin naman ang mukha ni Greg. Sa halip na sagutin ang tanong nito ay tanong din naman ang ibinato niya rito. “May gusto ka ba sa kaniya?” agad na tanong ni Greg ngunit hindi sumagot si Tantan. Hindi isyu kung may nararamdaman siya o wala. Ang isyu ay ang feelings ni Hazel. “Kung wala ka ng sasabihin, puwede ka nang lumabas,” sabi ni Greg sa binata. Ngunit bago ito lumabas ng opisina ay nagsalita pa ito. “Ito lang ang masasabi ko, kapag nakita ko siyang umiyak nang dahil sa’yo ay sisiguraduhin kong hindi mo na siya malalapitan.” Nang ma-warningan ang binata ay saka siya lumabas ng opisina nito. “Oy, Tantan. Parang ikaw na ngayon ang mahihipan ng hangin sa pagtulala,” pukaw ni Hazel sa binatang tulala. “Ito naman. Nananaginip na ako ginising pa,” sabi nito sa dalaga. “Natutulog ka pala? Tulala ka kasi,” pasigaw na sabi ni Hazel. Itatanong niya kasi rito kung saan ito nagpunta noong nakaraang wala ito. Natawa na lang siya dahil marunong din palang matulala ang isang iyon. “Thank you for the sandwich and juice,” mahinang basa niya sa nakasulat sa sticky paper niya. Kilalang-kilala niya ang handwriting nito—kay Greg galing. Nagpapadyak siya at pigil na pigil ang pagtili sa sobrang kilig na nararamdaman. Lalo siyang ginanahan na iwan ang lunch bag sa opisina nito. Bago pa magbalik ang boss niya ay pumasok siya sa opisina nito at mabilis na iniwan ang pagkain doon. Pagkatapos ay mabilis na nagtungo muli sa sariling desk. Eksaktong pagkaupo niya ay dumating si Greg. “For you,” mahinang sabi ni Greg sabay patong ng kape sa ibabaw ng desk ng dalaga. Kinagat ni Hazel ang kaniyang pang-ibabang labi para pigilin ang kilig na nararamdaman. “Ito na ba ang simula ng love life ko?” napapatanong na sabi niya sa sarili habang tinititigan ang kape na ibinigay ni Greg. “Salamat, amapalaya ko. Ang tamis-tamis mo today,” sambit niya sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD