Chapter 19

2007 Words
Isang announcement ang bumungad sa dalaga nang buksan niya ang company email. Muntik na siyang makalimot. Company anniversary nga pala next month. Napapangiti siya sa isiping iyon. Pagkakataon na niya para makalapit lalo si Greg. Magdadalawang linggo na simula nang bumait sa kaniya ang biyudo niyang amo. Bait in a sense na hindi na siya nito tinitingnan ng seryoso. Hindi na rin siya nito sinesermonan. Kadalasan pa nga ay binibigyan siya nito ng kape. Kinakantiyawan tuloy siya ng mga ka-opisina niya na may favoritism si Mr. Laxamana nang makasabay niya ang mga ito sa pantry para magkape. Kahit bihira lang silang magkausap-usap ng mga ito ay hindi naman sila ilang sa isa’t isa. “Bakit ikaw lang ang may pa-kape? Kaunti na lang e iisipin namin na may relasyon kayo ni Sir,” sabi ng katabi ni Hazel na ka-trabaho. “Oy, wala kaya. Wala pa. Baka mga bukas kasi hapon na ngayon,” pagbibiro niya rito. “Nako ha. Ikaw. Siguraduhin mong may feelings iyan sa’yo. Masakit ang masaktan,” sabi naman ng matandang dalaga na si Lavi. Halos nasa late forties na ito at hindi na nagka-asawa simula nang lokohin siya ng ex-boyfriend niya noon pagka-graduate nito ng college. “Take it from the experience ba ‘yan, Madam?” pagbibiro pa rin ni Hazel. Hindi siya apektado sa mga pangangantiyaw nila. Pursigido siya sa pagpapa-ibig kay Greg. Lalo pa ngayon na abot-kamay na niya ito. “Malalaman mo ‘yan kapag nasaktan ka na. At sasabihin mo na, ‘Tama pala si Madam Lavi’, pagkatapos ay magsisisi ka kung bakit hindi ka nakinig sa akin.” Ngingiti-ngiti na lang siya sa mga ito. Hindi naman na siya bata para sa sakit-sakit sa pagkabigo sa pag-ibig. Pero hindi siya susuko dahil lang doon. “Mauna na nga ako sa inyo. Dadalhan ko pa si Tantan ng kape,” paalam niya sa mga ito. “Ayan nga. Diyan ka na lang kay Ethaniel. Guwapo na e mabait pa. Makulit nga lang pero sa tingin ko kaya ka kinukulit niyon kasi may gusto iyon sa’yo,” sabi naman ni Hayley. “Kayo talaga puro haka-haka. Hindi ako type ng lalaking ‘yon. Wala nga yatang ka-interes-interes sa babae ‘yon. At isa pa e friends lang kami ni Tantan,” saway niya sa mga ito. “Akala mo lang iyon,” muling kantiyaw ni Madam Lavi. Naiiling na lang siya na tuluyan na nagpaalam at nagtungo sa opisina para ibigay ang kape ni Tantan. Marami kasi itong ginagawa kaya wala na itong panahon na sumabay sa kaniya sa pagkakape sa pantry. At isa pa ay hindi niya kailangan ng kape roon dahil may special delivery siya galing mismo sa boss niya. “Complimentary daw,” usal niya habang naglalakad sa hallway. Sinulyapan pa niya ang hawak niyang kape na bigay ni Greg. “Sir Greg,” sambit niya nang makita niyang lumabas ito mula sa toilet. “Hey,” maiksing sagot naman nito. “Thank you sa coffee,” sabay kagat sa pang-ibabang labi na sabi ni Hazel. “Sure,” sagot lang nito. Magkaagapay ang lakad nila nang saglit na huminto si Greg. Napalingon din naman siya sa binata. “Are you free on Sunday?” tanong ng binata. Napapaisip naman siya kung bakit nito tinatanong ngunit ilang segundo lang. Nasa isip niya na yayayain siya nitong makipag-date kaya nito tinatanong. “Hmm… Yes, Sir. Why?” Tanong din ang ibinalik niyang sagot dito. Saglit itong natahimik ngunit nagsalita rin naman pagkatapos. “I was just thinking if you’ll be interested in attending an event with me,” sambit ng binata. “With you? Sure!” mabilis na bulong ng utak niya ngunit hindi iyon ang isinambitla ng kaniyang mga labi. “What kind of event, Sir?” tanong na lamang niya. “It is actually out of your work scope. I’m inviting you to join me with the Laxamana’s Children’s Foundation anniversary,” sabi ng binata. He established the foundation years ago but it has been a while since he visited it. Usually, he’s assigning someone in the finance department to go there in behalf of him. Even his deceased wife had never been there. “Oh, the LC Foundation,” sagot naman ni Hazel. Alam niya ang foundation na iyon dahil isa sa mga naging katrabaho niya dati ay scholar ng foundation na iyon. At doon pa lang ay kilala na niya si Greg. “Familiar ka sa LCF?” Lumiwanag ang mukha ni Greg sa narinig. “Yes po. One of my colleagues before was a scholar from that foundation,” hindi nag-atubiling sabi niya. “I see… So, are you—,” Hindi pa man natatapos ni Greg ang tanong nito ay sinagot na kaagad ito ni Hazel. “I’ll join you,” tatango-tangong sagot ni Hazel dito. “Great. Great,” sabi naman ni Greg. Nagpatuloy sa paglalakad ang dalawa at nang makarating sa opisina ay dumiretso si Greg sa opisina niya at si Hazel naman ay nakangiting tumungo sa desk ni Tantan. “Kape ka muna,” ipinatong ni Hazel ang kape sa desk ng binata. “Wow! May lagnat ka?” Tumayo pa ang binata para ilapat ang palad sa noo ng dalaga at i-check ang temperatura nito. “Napaka-salbahe mo. Ikaw na nga ipinagkukuha ng kape.” Natatawa naman si Tantan sa dalaga. Kaya naman ganado siya laging asarin ito. Lingid sa kaalaman ni Hazel na nagtungo na roon ang binata para sana kumuha ng kape ngunit nang marinig nito ang usapan nila ng mga katrabaho nila ay hindi na siya tumuloy. “Oo na. Salamat sa kape.” Bahagya pa nitong itinaas ang paper cup bago humigop ng kape. “You’re welcome!” Padabog na naglakad patungo sa sariling desk ang dalaga nang tawagin siya ni Tantan. “Hazel! Sa Sunday pala ha. Iyong pangako mo na sasamahan mo’ko na maghanap ng susuotin sa company anniversary natin.” Napatikom ng bibig ang dalaga. Bakit nga ba nawala sa isip niya iyon? Kapag talaga si Greg ang nasa harapan niya ay nakalilimot siya. “Ano kase, Tan—,” Agad na pinutol ng binata ang sasabihin niya. “Hep! Wala nang bawian. Ang pangako ay pangako. Kapag hindi mo tinupad magiging triple ang balik niyon,” sabi nito sa kaniya. Nakanguso na tinalikuran niya ang binata. Martes pa lang naman. May ilang araw pa siya para makapag-isip ng paraan. Muling palakad na sana siya patungo sa desk niya nang may pahabol pa ito. “Siya nga pala, sabay tayo ulit mamayang umuwi.” Tumango-tango naman siya. “Oo na. Oo na. Baka mamaya maging apat na request pa e,” sagot niya rito saka tuluyang nagtungo sa desk niya. “Hazel, come to my office,” sabi ni Greg sa intercom. Kauupo pa lang niya nang tawagan siya nito. Agad siyang tumalima at tinungo ang opisina ng boss niya. “Sir,” agad na sabi niya rito. “We’ll be packing goods for the children for the Sunday even. Do you want to join us?” sabi ng binata kay Hazel at agad naman itong pumayag. “Talaga po? I want to join,” sabi niya rito na kumikislap pa ang mga mata sa excitement. “Okay, then. I’ll see you at the lobby para sabay na tayong pumunta,” saad ni Greg. Tumango naman siya at nagpaalam na. Palabas na sana siya ng pinto nang maalala niya ang pangako niya kay Tantan. Muli siyang lumingon kay Greg at ngumiti naman ito sa kaniya. Sa ngiti pa lang na iyon ay hindi niya magawang bawiin ang sinabi niya. Halos hindi siya nakapagpokus sa ginagawa. Panay ang tingin niya sa relo. Iniisip pa rin kung paano sasabihin kay Tantan na hindi sila sabay uuwi. Ilang minuto pa ay pumatak na ang oras ng uwian. Papalubog na ang araw at tapos na ang trabaho nila. “Let’s go?” Agad siyang napatingala sa dalawang binata na nasa harapan ng desk niya na magkasabay pang nag-alok sa kaniya. “Ako na ang maghahatid sa kaniya, Sir. Pareho naman kami ng way. Actually same kami ng place,” magiliw na sabi ng binata sa boss nila. “Uhm, Tan, kasi ano. May lakad kami ni Sir. Bukas na lang tayo magsabay. Mauna ka na,” Magdadahilan sana siya kanina na may tatapusin siya at pauunahin niya si Tantan. Ngunit hindi niya naisip na lalapitan siya ng boss nila para sabay nang bumaba. “A, gano’n ba?” Napakamot sa ulo ang binata na napatingin sa dalawa. “Sige mauna na ako,” sabi nito saka tumalikod sa kanila. Pipigilan pa sana ni Hazel ang binata para sabihang sabay silang pumasok bukas ngunit hindi na sila nilingon nito. “Tara?” yaya ni Greg sa dalaga. Tumango naman ito at mabilis na nagligpit ng gamit saka sabay na nagtungo sa elevator. “Thank you sa pagpayag na mag-pack ng goods para sa mga bata,” sabi ni Greg habang nakasakay sila sa elevator. “Wala iyon, Sir. Mahilig din naman talaga ako sa mga bata at gusto ko ring ma-experience na mag-pack ng mga ibibigay sa kanila. That way e nakatulong ako kahit papaano,” sagot naman niya rito. Agad na lumabas ang dalawa nang magbukas ang elevator. “Wait for me here,” Lumakad papunta sa parking ang binata at naiwan naman siya sa lobby at hinintay si Greg. Ilang minuto lang ay kinawayan siya ng binata sa may bintana ng kotse nang nasa harap na ito ng lobby. Mabilis na nagtungo naman siya roon. Sa isang sulok naman ay nakatunghay ang binatang dapat ay kasabay nito sa pag-uwi ang dalaga. Nawalan siya ng gana na umuwi sa apartment kaya naman, tumuloy siya sa bahay ni Jo Ash. “O, naligaw ka na naman.” Kakikita lang nila noong nakaraan. Aksidenteng natalisod si Jo Ash sa banyo at nagkaroon ng minor injury kaya naman hindi siya nakapasok sa trabaho. Ngunit kung umasta ang best friend niya ay para bang nagsawa na sa pagmumukha niya. “Makasita ka naman para bang nandito ako araw-araw, a.” Natatawa naman si Jo Ash. “Bakit kasi hindi mo ligawan ang Hazel na iyan para naman ma-busy ka na at nang hindi ako ang napagdidiskitahan mo rito,” sabi ni Jo Ash. Bukod kasi sa pag-stay nito minsan sa bahay niya ay siya ang kinukulit. “Sus, hindi ko gusto ‘yon,” buong tanggi niya sa binata na hindi naman bumibenta kay Jo Ash. “Maniwala ako sa’yo. Mapapaniwala mo siguro si Hazel pero ako? Boy, matagal na tayong magkakilala. Hindi mo ako malolo, oy,” sambit pa nito na ikinailing na lang ni Tantan. Sa kabilang banda naman ay nasa biyahe pa rin ang dalawang sina Hazel at Greg. “Ang galing naman, Sir. Talagang hands-on kayo sa LCF,” sambit ni Hazel sa binata nang mapansin niyang pasulyap-sulyap ito sa kaniya. Dahil kung tutuusin ay may mga naka-assign naman na gumawa niyon. “Hindi naman. Nagkataon lang na matagal-tagal din akong hindi naging visible sa foundation. Gusto kong bumawi,” sabi ng binata panay pa rin ang sulyap sa kaniya nang pasimple. “Actually si Winona rin ay kasama ko sa pagbuo ng foundation. Kaya lang ay busy iyon kaya mas bihira iyon magpakita roon,” dagdag pa nito. “Siya iyong ka-lunch meeting natin hindi ba?” Tumango naman si Greg. “Yup. She’s my bestfriend,” pagkukumpirma ng binata. Umaliwalas naman ang mukha ni Hazel. Nakumpirma na niya na kaibigan lang nito ang Winona na iyon. Ang hindi niya maitanong ay kung ito ay isang lesbian. Ilang minuto pa ay naroon na sila sa warehouse na pinaglagyan ng ipa-pack na goods. “Mr. Laxamana, nako nakahihiya naman. Salamat sa pagsama sa amin sa pagrerepack,” sabi ng isa sa mga taga repack ng goods. “Wala po iyon,” sambit ni Greg sa babae. Nakatitig lang si Hazel na nagmamasid. Ibang version naman ng Greg ngayon ang nakita ng dalaga. Version na mas nagpatindi ng naradamdaman niya para rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD