Hindi na mabilang ni Hazel kung nakailang hikab na siya habang nagre-repack ng pagkain at gamit. Kaunti na lang ang natira sa ginagawa nila ay matatapos na sila. Nagsi-uwian na rin ang iba. “Ako na niyan,” sambit ni Greg sa dalaga na muling humikab. Kanina pa niya sinusulyapan ito ngunit wala man lang itong reklamo kahit na alam niyang inaantok na ito. “Hindi na, Sir. Kaya ko na ito,” tukoy niya sa ginagawa. Nakarami rin sila ng plastic envelope bag na may lamang mga crayons, pencils, notebooks at kung ano-ano pang mga gamit sa eskuwelahan. Habang ang mga mismong tao na taga foundation ay mga damit naman ang inasikaso. Hindi na siya kinulit pa ng binata para kunin ang ginagawa niya. Masiyado nang late nang dumating sila roon. Halos kalahati na sa ipamamahagi ang nagawa ng mga staff kaya

