“Ako, gusto kong mag-thank you sa tulong mo kagabi. Kahit na short notice ay pinaunlakan mo pa rin,” sinserong tono na sabi ng binata. “I want to help. And I will help as long as I can,” sagot naman ni Hazel sa binata. “Let’s grab a coffee,” sambit ni Greg nang mapadaan sa Starbox ang mga ito. Tumango naman ang dalaga at sabay silang bumaba ng kotse. Pinagbuksan ni Greg ang dalaga ng pinto. “Can we add another one?” tanong ni Hazel sa binata nang maka-order na sila ng kape. May katanungan man sa isip nito ay dinagdagan pa rin niya ng isa ang order nila. “Thank you, Sir. Baka kasi hindi pa nagkakape si Tantan, I mean Ethaniel. Para sa kaniya ang isa.” Hindi naman nakaimik ang binata. Tikom ang bibig na hinintay nila ang orders nila habang nakaupo sa malapit sa counter. “Uhm… Sir, sorry

