Hindi maalis ang pagkatitig ni Hazel sa kuwadradong salamin sa ibabaw ng mesa sa kaniyang labi. Mag-iisang linggo na ang nakalipas ngunit tila dama pa rin nila ang labi ni Greg na nakalapat doon. Sa nakalipas na mga araw hindi naman siya binigo ng binata. Katulad ngayon na gusto niyang tumili ng limang beses para sa ika-limang rosas na natagpuan sa kaniyang mesa. Kulang pa ang salitang kilig para i-describe ang nararamdaman niya. Wala mang note na kasama ang mga pulang rosas na iyon ay sigurado siyang galing iyon kay Greg. Kinabukasan pagpasok niya sa opisina matapos ang event ay naroon sa kaniyang mesa ang isang pulang rosas. Kahit na seryoso ang mukha ni Greg ay pihadong sa kaniya iyon galing. Ayaw lang siguro nitong maging usap-usapan sila sa opisina, although pinagbubulungan pa rin n

