Awtomatikong tumulo ang luha ko habang nakatitig kay Jaze. Marahan akong humarap rito at pilit na pinipigilan ang sariling haplusin ang mukha nito. Sa loob ng sampung taon, ni minsan ay di ko pa nakatabi si Jaze ng ganito. Ang payapa ng tulog nito, pero halatang-halata rito ang pagod at lungkot sa mukha. Ngayon nauunawaan ko na kung bakit ganon na lang ang bugso ng ugali ni Jaze, ang pinanggagalingan nito, kagaya ko, nabubuhay rin pala siya ng puno ng sikreto. Sa mga oras na ito, hindi ko maiwasang maalala ang mga pinagdaanan namin, gustong-gusto ko siyang yakapin, pero natatakot ako na ang payapang tulog niya mapalitan na naman ng galit. Ako pala ang dahilan kung bakit malungkot siya. Ang sakit magbiro minsan ng tadhana, siya ang kasiyahan ko, pero ako ang kalungkutan niya. "I love yo

