CHAPTER 20

1714 Words

"ANO na ang gagawin mo ngayon?" tanong ni Arriana kay Sebastian. Ipinakita nito sa kanya ang kwentas na ibinigay ng ina nito. "Hindi ko alam. Nalilito ako!" tugon ni Sebastian. "Maaaring may kulang sa pagkatao ko, pero sapat na sa akin si inang Lubay at ang aking kapatid. Hindi ko alam kung hahanapin ko pa ba ang mga tunay kong magulang o hindi na." "Hanapin mo sila," wika ni Arriana. "Ang kwentas na 'yan nangangahulugan na hindi ginusto ng magulang mo ang iwan ka. Sigurado akong iniwan nila 'yan sa'yo para hindi mo isiping basta ka na lang nila iniwan. 'Yan ang susi at sagot sa mga tanong mo, Seb." Napatitig si Sebastian sa kwentas. Inilapat ni Arriana ang kanyang kamay sa balikat ng sereno. "Siguro nga hindi ko alam ang pakiramdam ng hindi magisnan ang tunay na magulang. Pero, alam k

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD