"Good morning Arriana!" bati ni Xander sa dalaga. Naabutan niya ito sa garden habang nagpipinta. "Oh, you're here!" nasurpresang bulalas ng dalaga. "Akala ko sa isang araw pa ang uwi mo dito sa Pinas." "Maaga kasing natapos 'yong mga kinailangan kong asikasuhin," tugon ni Xander. Kumunot ang noo ng binata. Iba yata ang awra ngayon ni Arriana. Hindi ito mukhang masungit. Hindi naman siya itinataboy nito tuwing magpupunta siya upang bisitahin ito noon, ngunit ramdam niyang ayaw nito sa kanyang presensya. Ngayon ay tila mainit na ang pagtanggap nito sa kanya. Napansin ni Arriana ang pagtitig sa kanya ni Xander. "May dumi ba ako sa mukha?" she asked. "Ba't ganyan ka makatitig?" "Did I miss something?" nagtataka pa ring tanong ni Xander. "What do you mean?" "I mean, may nangyari ba nit

