SO, how do you find this place?" usisa ni Xander kay Arriana. Napalingon ang dalaga na abala ang mata sa pagtingin sa kalawakan ng harden sa likod ng mansyon na kanilang tinutuluyan. "What do you think?" nangingiting wika niya. "Ano pa ba? Eh, di sobrang ganda! Ang laki ng bahay n'yo! Buti hindi nalulungkot dito ang mama mo, eh, mag-isa lang siya?" "Nope! Marami kaming maid," tugon ng binata. "They keep Mom company." Tumawa ito. "Besides, madalas nasa labas siya kasama ang mga friends niya." "Well, napaka-active naman pala ng social life ni Tita." "Sinabi mo pa! Mas mabuti pa nga siya, may social life. Eh, ako, halos wala. Puro trabaho. Buti na lang nandiyan ka. Ikaw ang dessert sa nakakaumay kong buhay." Natawa naman si Arriana. "Ang korni mo, ha!" Natawa rin si Xander. "Bakit? Tot

