PANSIN ko ang pagkagulat sa mukha ng secretary ko. Ngumiti ito ng buong tamis at masaya akong sinalubong. "Good morning, Sir Tristan.." Pasimple pa itong kumagat-labi. Isang tango naman ang isinagot ko. Lihim pa akong napalunok at kitang-kita ang malusog nitong dibdib. Hindi ko nakakalimutang minsan ko itong ikinakama. Ngunit wala ako ngayon sa mood. Kung minsan napapaisip ako kung bakit sa dinami-rami ng makakalimutan ko bakit ang kasintahan ko pa at ang tatlong anak ko? Maliban doon, lahat naaalala ko. Kung paano ako maging mapaglaro sa mga kababaihan. Kung paano kong pinapasok ng ilang beses ang kuweba ng secretary ko? Lahat ng alaala sa kasintahan, wala akong matandaan kahit kaunti man? Basta ang alam ko, lumalakas ang t***k ng puso ko sa t'wing nakikita ko ito. Alam kong

