LUHAANG napaluhod ang matandang si Donya Elizabeth habang nagmamakaawa sa akin. Nasa library kami ng mga oras na iyon. Kinausap ko ito upang magpaalam na aalis na lang kaming mag-iina. Ipinagtapat ko rito ang lahat ng kataksilan ni Tristan. Ang lahat ng sakit na paulit-ulit nitong ipinaparamdam sa akin. Sa nanginginig na mga kamay hinawakan nito ang mga kamay ko. Awang-awa akong pinagmamasdan ang matanda. Hindi ko gustong pati ito nadadamay sa sitwasyon namin ni Tristan. "P-please, Alisha, hija. A-ako na ang nakikiusap sa iyo. Ang nagmamakaawa sa iyo, wag mo namang ilayo sa akin ang mga apo ko. S-sila na lang ang nagbibigay sigla sa akin. M-masyado na akong matanda. Ibigay mo naman ito para sa akin, hija.." Sunod-sunod na pumatak ang luha sa mga mata ko. Napaiwas din ako ng tingin

