ISANG BUWAN ANG NAKALIPAS.. Nagtataka si Alisha at napansin niya ang biglaang pagbabago ni Tristan nitong mga nakaraang linggo? Naging tahimik din ito ng ikuwento niya ang lahat ng pinagdaanan nilang dalawa noon. Kung paano silang nagkakilala at kung paano siya nito nagustuhan? Ipinaalam niya rin dito ang tungkol sa kaniyang kakambal. Wala siyang inilihim sa nobyo. Simula umpisa hanggang sa magkasakit nga ito at napilitan siyang iwanan nito kahit na nagdadalawang tao na siya noon. Kung noon, bigla itong nanahimik, ngayon naman mas lalo itong naging tahimik na halos ayaw na yatang makipag-usap? Napapansin ko rin na madalas nitong iniiwas ang mga mata sa akin? Na para bang may kinakatakutan ito na maaari kong malaman? Hindi ko tuloy maiwasang mag-alala para sa nobyo. Sa tuwing

