CHAPTER 114

1742 Words

KINABUKASAN. PANAY iyak ni Grandma habang nagpapaalam sa tatlong bata. 'Di maampat ampat ang luha sa mga mata nito. "M-mamimiss ko kayo mga apo. M-mahal na mahal kayo ni lola." Samantalang bubulong-bulong lang ang tatlong anak ko. Minsan pa ngang tumitili si Alina saka hahagighik. Hinalikan nito isa-isa ang tatlong bata. Niyakap din nito ng mahigpit. Ramdam ko ang matinding pagmamahal nito sa mga anak ko. Naluluha itong tumayo at lumapit sa akin. Hinawakan nito ang mga kamay ko. "M-mag-iingat kayo. Dadalaw na lang ako." Marahan akong tumango. Sabay pa kaming napalingon ng marinig ang yabag mula sa itaas ng hagdan. Si Tristan. Kaagad akong napaiwas ng tingin. Ngunit hindi nakaligtas sa akin ang pamumula ng mga mata nito habang nakatitig sa tatlong bata. Nilagpasan kami nito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD