Brena's POv
Tumitig siya sa monitor, pero wala roon ang atensyon niya.
Another email. Another draft. Another proposal.
Pero kahit anong pilit niya, hindi siya makapag-focus.
Mula nang umalis si Kyla kanina, may mabigat na sa dibdib niya. Hindi galit. Hindi rin inis. Mas parang… pagod. Tapos na. Wala nang saysay makipagtalo.
She told herself that she meant what she said. She wanted to believe it.
You can have Sevy. I don't care.
Pero bakit parang ang sakit? Parang may isang bahagi sa kanya ang biglang napunit at hindi na muling mabubuo.
Bigla siyang napabuntong-hininga.
Nasan na kaya si Sevy? Usually, by now, may message na ‘yun. Kahit simpleng “u eat?” or some weird meme.
Ngayon? Wala. "Infairness naman talaga, namimiss din niya ang Severino na yun." malungkot na wika niya. Biglang may pumitik na kung ano sa utak niya. Kaya naman napaupo siya ng tuwid.
Bakit nga ba siya nagpapaapekto masyado, and sa pagkakaalam niya naman, walang alam ang Severino sa totoong nararamdaman niya para dito. Kaya bakit kailangan niya maglagay ng bakod sa pagitan nilang dalawa diba? Isa pa, siya mismo nagsabi dito na kapatid lang ang turing niya dito ..
Tumitig siya muli sa screen, pero lalo lang lumabo ang mga letra. Parang bawat word na binabasa niya ay nagiging pangalan ni Sevy.
“Hay, Brena,” bulong niya sa sarili. “Ano bang ginagawa mo?”
She pressed her palms against her face, hoping na baka sakaling mawala ‘yung bigat na nasa dibdib niya. Pero hindi—lalo lang itong bumigat. Kasi sa totoo lang, she wasn’t angry at Kyla. She wasn’t even angry at Sevy.
She was angry at herself.
Kung hindi siya natatakot umamin noon pa, baka ibang-iba na ang sitwasyon nila ngayon. Baka hindi niya na kailangang sabihin ‘yung mga salitang “I don’t care.” Kasi sa puso niya, alam niyang she cares. She always did.
Napatingin siya sa gilid ng mesa kung saan nakapatong ang cellphone niya. Isang parte ng utak niya ang gusto nang kunin ‘yon, mag-send ng simpleng, “kumain ka na?” o kahit “kumusta ka na?” Pero the other part of her screamed no.
Kasi kung gagawin niya ‘yon, baka isipin ni Sevy na binabawi niya ang lahat ng sinabi niya. Baka isipin nitong… may gusto siya.
At doon siya natakot.
Her chest ached at the thought. Dahil kung may isang bagay siyang hindi kayang tanggapin, iyon ay ang possibility na mahalin niya si Sevy nang sobra sobra… tapos hindi nito maibalik.
Or worse… mahalin nga siya ni Sevy, pero saktan siya balang-araw.
Hindi niya alam kung alin ang mas masakit doon.
Napayuko siya at marahang itinukod ang baba sa kamay niya. Tahimik lang ang buong office, pero sa loob niya, napaka-ingay.
Ang dami niyang gustong sabihin. Ang dami niyang gustong itama. Pero gaya ng lagi, pinipili niyang manahimik.
“Maybe it’s better this way…” bulong niya ulit, kahit alam niyang kasinungalingan iyon.
At kahit gaano niya i-deny, ramdam niya na—she missed him.
She missed her Severino.
Napapikit siya, sinusubukang itaboy ang mga naiisip. Pero bago pa siya tuluyang makapagpahinga, nag-vibrate ang cellphone niya sa mesa.
Parang automatic na gumaan ang dibdib niya.
“Si Sevy…” mahina niyang bulong habang mabilis na inabot ang phone.
Baka ito na. Baka bumalik na ulit ang normal. Yung simpleng “u eat?” or yung corny niyang memes na lagi niyang pinapansin kahit minsan hindi naman talaga nakakatawa.
Pero nang buksan niya ang notification, saglit siyang napatigil.
> Sevy: “Pwede ba tayo mag-usap mamaya? Coffee shop sa tapat ng building, 7PM. Important.”
Diretso. Walang emoji. Walang kahit anong palamuti. Hindi man lang naglagay ng “ingat ka” or kahit simpleng “see you.”
Parang business appointment lang.
Biglang lumubog ang sikmura niya.
Nakatitig lang siya sa screen, paulit-ulit binabasa ang mensahe. “Important.” Ano kaya ibig sabihin nun?
Hindi siya sigurado kung dapat siyang kabahan o matuwa. Matutuwa kasi siya pa rin ang tinext, siya pa rin ang piniling kausapin. Pero kinakabahan, kasi ramdam niya sa tono—may distansya na. May lamig.
At doon niya naramdaman ang kurot na hindi niya maipaliwanag.
Kung dati, siya ang laging naglalagay ng harang, ngayon, pakiramdam niya… si Sevy na ang nagsisimula.
Napabuntong-hininga siya at ipinikit ang mga mata. “Infairness, Brena… ikaw din pala, marunong masaktan.”
Pero kahit anong pilit niyang kumbinsihin ang sarili na ito ang tama, ramdam niya—isang maling salita lang ang nasabi niya kanina.
At baka ngayong gabi… marinig na niya ang tunay na epekto nito.
Nakatitig lang siya sa screen, paulit-ulit niyang binabasa ang mensahe. “Important.” Ano kaya ibig sabihin nun? Baka about business lang siguro." wika niya sa kanyang sarili.
Gusto niyang kutusan ang kaniyangnsarili sa mga oras na yun. Hindi siya sigurado kung dapat siyang kabahan o matuwa. Matutuwa kasi siya pa rin ang tinext, siya pa rin ang piniling kausapin. Pero kinakabahan, kasi ramdam niya sa tono—may distansya na. May lamig. Hindi na katulad ng dati.
Parang biglang nanuyo ang lalamunan niya. Hinawakan niya ang phone nang mahigpit bago dahan-dahang nag-type ng reply.
> Brena: “Sige. See you.”
Mabilis niyang pinindot ang send bago pa siya magbago ng isip. Napakagat siya ng labi pagkatapos. Ang tipid. Ang formal. Hindi siya sanay.
Gusto niya sanang dagdagan ng “ingat ka” o kahit simpleng emoji para gumaan, pero pinigilan niya ang sarili. Baka lalo lang magmukhang desperado.
Pagkatapos niyang mag-reply, ilang minuto pa siyang nakatitig sa chat box, umaasang may kasunod. Kahit simpleng thumbs up o “ok.” Pero wala. Seen lang ulit.
At doon siya mas lalo pang nabahala.
“Grabe…” mahina niyang bulong habang napahiga sa upuan. “Ito na ba talaga? Ganito na ba kami?”
Ramdam niya ang kaba at bigat na parang lalong dumadagundong sa dibdib niya.
Mamaya, magkikita sila. Pero para sa unang pagkakataon… hindi siya sigurado kung dapat ba siyang umasa o matakot.
---