Kabanata 52: Nakakasirang Puri

2048 Words

Nanatili si Alkan sa puting palasyo nang ilang araw. Maraming nimpa at puting sawikin siyang nakilala at nakausap, pero hanggang ngayon pero simula nang huling pag-uusap niya kay Manuel ay hindi niya nakita si Gio. Nang tinanong naman niya ang puting sawiking tagasunod niya ay sinabi nitong may gawaing inatas si Manuel kay Gio. Pinagkibit-balikat niya iyon. Nitong mga nakaraang araw ay pilit niyang pinapaniwala ang sarili na maayos lang si Valeria. Sinabi na ni Manuel na ayos lang ang kalagayan ni Valeria sa itim na palasyo, pero gusto niyang makita ang babae nang harap-harapan. Hindi siya mapapanatag hangga't hindi niya ito nakikita. "Wala pa bang pinadalang sulat ang babaeng exorcist?" tanong niya sa sawikin na kasabay niya sa paglakad tungo sa malawak na training ground ng palasyo.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD