Malawak ang lupain ng Tribal. Habang nasa himpapawid, nakikita ni Alkan ang lupain na sakop ng White Wing Tribe. Hindi tulad ng sa timog na puno ng dilim, ang lupain sa kanluran ay puno ng liwanag dahil sumisilip ang araw mula sa mga ulap. Ang nakakamangha ay kahit na lumilipad sila sa himpapawid at tirik ang araw, hindi ramdam ni Alkan ang nakakapasong init niyon. Tanging nararamdaman lang niya ay ang pakiramdam na parang nakababad siya sa maligamgam na tulad. Tamang-tama lamang ang temperatura para sa kaniya. Lumipad sila palampas sa kabahayan. Namangha pa siya nang makita ang mga nilalang na may munting pakpak sa likod. Pero ang pinagtaka niya ay kung bakit mabibilis ang mga itong tumakbo at mukhang hindi nito kayang lumipad. Maya-maya pa ay lumampas na naman sila sa mga nilalang n

