Kabanata 50: Paglusob ng Sawikin

2677 Words

Ilang gabi pang iba't ibang sirena ang nakakasama niya sa pagtulog at hindi niya maiwasang malugmok. Di yata ay wala siyang pinagkaiba sa mga bayaran sa mundo ng mga mortal. Kahit na gustong-gusto na niyang tumakbo gabi-gabi ay hindi maari. Iyon lang ang naiisip niyang paraan para mailigtas ang sarili sa tiyak na kapahamakan. Pero meron namang magandang resulta ang ginagawa niyang iyon. Tuluyan na niyang nakuha ang loob ng anim na sirenang may mataas na katungkulan sa tribo na iyon. At nakikita niyang pinoprotektahan siya ng mga ito, gaya na lang sa mga oras na iyon. "Ano? Pinapapunta sa pugad ni Selena ang mahal na hari?" sigaw ng isa sa mga sirena. Kasama niya ang mga iyon sa loob ng silid. Dahil na rin sa kagustuhan ng mga ito, hinayaan niya ang anim na manatili sa loob ng kuwarto

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD