Napatingin si Alkan kay Selena. May mahiwagang ngiti sa mga labi nito habang nakatingin sa kaniya. Natigilan siya. Mukhang may binabalak ang sirena na ito. Pero hindi niya pinahalata na naalarma siya sa klase ng tingin na binibigay nito sa kaniya. Hindi nagtagal ay nagsalita si Selena. "Matulog ka mamaya sa aking silid." Napabuga siya ng hangin at napaiwas ng tingin. "Paano ang dalawang alalay na binigay mo? Hindi ko ba mahahawakan ang magagandang dilag na 'yon?" tanong niya, hindi alintana ang pag-iba ng ekspresyon ni Selena. Lihim namang natawa si Alkan. Hindi niya gustong maging kaaway ni Selena, pero gusto niyang pagmasdan kung paano kumunot ang noo at kumibot ng mga labi nito. Ewan ba niya, naaaliw siya kapag nagagalit ang sirena. "Hindi," mariin nitong tanggi. "Hangga't hin

