Kabanata 41: Pagtatagpo ng lupa at tubig

2050 Words

Natawa ang sirena sa sinabi ng babaeng exorcist. Tiningnan nito ang bagong dating mula ulo hanggang paa at ngumiti. "Tribo ng exorcist?" Mas lumapad ang ngiti sa mga labi nito. "Ilang siglo na nang huli akong nakakita ng katribo mo, babae. Ngunit hindi ko ipagkakailang malakas ka nga." Tinuro ng sirena si Alkan. "Ako ang unang nakakita sa kaniya kaya akin siya," pagdedeklara nito. Tumaas naman ang kilay ng babaeng exorcist. "Hindi mo ba alam ang utos ng puting palasyo? Dalhin sa palasyo ang taong nagngangalang Alkan Buena." Humalukipkip ang babae. "Wala bang nagbigay impormasyon sa inyo o 'di naman ay... sasaway kayo sa utos?" Naglapat ang dalawang maninipis na mga labi ng sirena at umismid. "Gusto ko lang na ipasyal siya sa kaharian ng mga sirena. Bakit? Ibibigay ko rin naman siya pag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD