Hingal na huminto ang babaeng exorcist sa ilalim ng isang malaking puno ng balete. Nakakubli siya sa naglalakihang malaugat na balete at pilit niyang pinapahupa ang mabilis na pintig ng puso. Pumikit siya at ginamit ang mahika para itago ang presensiya niya bilang isang exorcist. Ngayon ay para na lang siyang isang tao, tulad ng mga mahihinang nilalang na nakatira sa labas ng Tribal. Umismid siya. Hindi niya talaga gustong gayahin ang walang kakayahang mga tao, pero iyon ang paraan para hindi malaman ng mga itim na sawikin sa himpapawid na isa siyang exorcist. Magkakagulo 'pag nagkataon. Kaso, hindi siya sigurado kung anong magiging reaksyon ng mga itim na sawikin sa itaas. Narinig niya ang mahinang pagsipol ng hangin sa itaas at ang kaluskos ng pakpak. Naging isang linya ang mga labi

