Ilang oras na niyang nilalakad ang kagubatan pero hindi niya pa rin kita ang hangganan niyon. Kahit gustuhin man niyang gumamit ng mahika ay hindi siya pwedeng maging kampante. Baka hindi pa nakakalayo nang husto ang dalawa niyang kasama kanina, at baka makakasalamuha niya ang mga ito sa daan. Ang mas masama pa ay baka matunugan siya ng iba pang itim na sawikin. Tama na ang isa na makakasama niya. Pero kahit na sunod ito nang sunod sa kaniya ay wala pa rin siyang tiwala rito. Kanina pa nakataas ang depensa niya at dahil kanina pa siya walang tigil na tumatakas ay napapagod na rin ang isipan niya. Lalo pa't pilit siyang gumagawa ng pader sa isipan para hindi iyon mapasok ng itim na sawikin sa likuran niya. Kaya naman nang makakita siya ng isang malapad na bato ay hindi na siya nag-atubil

