Habang pilit na tinatakasan ng babaeng exorcist ang makulit na sawiking itim, dinala ng sirena ang katawan ni Alkan sa ilalim ng ilog. Nakapikit si Alkan habang tangan-tangan siya ng sirena. Nakasilid ang ulo niya sa isang bula na gawa ng sirena para hindi siya malunod. Wala siyang maalala sa oras na iyon kung hindi ang panaka-nakang pag-awit ng sirena na dinuduyan ang pakiramdam niya. Hindi na niya nakayanan ang antok at sumuko siya sa dilim. Nang dumilat siya ay ibang mundo ang sumalubong sa kaniya. Nakahiga siya sa isang kama sa loob ng isang silid na puro kulay bughaw. Mula sa unan, kumot, maging kisame at dingding ay kulay bughaw na may dekorasyong perlas at mga isda. Nangunot ang noo niya. Ang huling naalala niya ay pinalipad siya ng babaeng exorcist sa malayo. At nang maalala

