Hindi niya mawari kung matatawa o maluluha sa sinabi ng babae. Anong mabubuntis? Anong pakikipagtalik? Hindi niya gustong gawin ang lahat ng inuutos nito! Mahal niya si Valeria kaya naman hindi niya maatim na matulog kasama ang ibang babae. Isa pa, hindi naman siya nagpunta roon para... para gawin ang gusto ng mga ito. Kumuyom ang mga kamao niya. Plano ba 'to ng babaeng exorcist para pahirapan siya? Nag-igting ang bagang niya sa iniisip. "Halika. Tinatawag ka na ng pinuno," sabi ng babae saka humakbang palayo. Pero nanatili sa kinatatayuan si Alkan. Naging isang linya ang mga labi niya at tinanaw lang niya ang papalayong sirena. Maya-maya pa ay huminto ito saka lumingon sa kaniya. Nakakunot na ang noo nito. "Bakit hindi ka pa rin sumusunod?" tanong nito. Lumunok siya bago nagsal

