Ilang minuto siyang hindi nakapagsalita sa sinabi ni Selena. Nag-iwas siya ng tingin at napaisip. Kung magagamit niya ang tribo ng sirena ay mapapadali ang pagligtas niya kay Valeria. Pero hindi naman maatim ng konsensiya niyang yumakap ng ibang babae. Saka hindi ba sakop naman ng puting palasyo ang tribo ng sirena? Kung makukuha niya ang tulong ng puting palasyo ay hindi na niya kailangang matulog kasama ang isang sirena. Tama. May pagpipilian pa siya. "Hindi," mariin niyang tanggi sa alok ni Selena. "Sakop ng puting palasyo ang tribo ng sirena, kaya kung sakaling makakahingi ako ng tulong sa puting palasyo ay tutulong din kayo sa pagliligtas kay Valeria." Humalumbaba si Selena at ngiti siyang pinagmasdan. Kumibot naman ang mga labi niya. Hindi siya komportable sa titig nitong parang

