Sumikat na ang araw pero nakasarado ang pinto ng bahay ni Alkan. Siya at si Valeria ay magkahiwalay na natulog habang abala ang lahat ng tao sa bayan ng San Roque. Mabuti na lang at nasa sulok ng bayan ang lokasyon ng bahay kaya tahimik ang paligid. Matapos ang pag-uusap nila ni Gio ay lumabas ang sawikin. Iyon din ang oras na nagpunta sina Valeria at Alkan sa kani-kaniyang kuwarto. Hindi na sila nag-usap matapos niyon. Mukhang nakuha naman ni Valeria ang gustong gawin ni Alkan kaya hindi na ito nagtanong pa. Kung totoo nga ang sinasabi ni Gio, mas mainam na hindi na sila mag-usap tungkol sa Tribal. Naniwala agad si Alkan sa sinabi ni Gio dahil walang dahilan ang sawikin para magsinungaling. Kaya minabuti niyang pagplanuhan ang susunod na hakbang. Papalubog na ang araw nang magising si

