Kabanata 54: Pagkikitang Muli

2212 Words

Nang tumawid si Alkan ay ihip ng malamig na hangin ang sumalubong sa kaniya. Natigilan siya at napatitig sa harap. Puro punongkahoy ang nasa paligid. Maririnig din ang huni ng mga ibon at lagaslas ng mga dahon na nakasakay sa bawat sanga ng puno. Malamig ang preskong hangin. San Roque. Ang lupain na kinalakhan niya. Ilang buwan na ba nang huli siyang tumuntong sa lupain kung saan siya nabibilang? "Tara na," sabi ni Gio. Hinawakan nito ang balikat niya at nilipad siya nito sa himpapawid. Nakita niya ang papaakyat na araw. Natulala siya saglit. Ngayon na lumilipad siya sa ibabaw ng kagubatan ay tanaw na tanaw niya sa unahan ang papasikat pa lang na araw. Hindi niya alam na kung gaano kaganda ang bukang-liwayway. Sa mga oras na iyon lang niya nakita at naintindihan ang kagandahan niyon.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD